Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality grabe ng katamaran

0 349

Malaki ang panghihinayang ng marami sa mga talentong meron ang isang kilalang male personality. Bibihira kasi ang tulad niya na biniyayaan ng galing sa pag-arte lalo na sa pagsayaw.

Maganda ang kanyang pagsisimula, agaran siyang nakilala mula sa pagiging kalahok sa isang reality show, siya ang nakakuha ng tropeo.

Kuwento ng aming source, “Madali kasi siyang matakot. Parang konting pagsubok lang, apektado na siya agad. Nawawalan na siya ng drive, depressed kaagad siya, ‘yun ang problema sa kanya.

“Titingnan n’yo siyang parang walang pakialam sa buhay, patawa-tawa lang, pero front lang niya ‘yun. Affected siya agad, nawawalan ng pag-asa, duwag siya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Nakakatikim siya ng mga salitang pamboldyak mula sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya pero hindi pa rin ‘yun sapat para sa male personality.

Patuloy ng aming source, “Kung lumalatay lang ang masasakit na salita, e, di sana, nagising na siya sa katotohanan! Kung pangaralan siya ng nag-aalaga sa career niya, e, bonggang-bongga!

“Totoo naman kasi ang sinasabi ng manager niya, e. Naunahan na siya nang milya-milya ng mga kasabayan niya! ‘Yung mga baguhan, nauna pang nabigyan ng magagandang opportunities kesa sa kanya!

“Paano nga, wala na siyang drive, parang okey na sa kanya ang ganyan na kapag may trabaho, e, okey na lang sa kanya!” madiing komento pa ng aming source.

Bukod sa kaduwagan sa buhay ay may katamaran din ang male personality. Hindi pa man ay kinukuwenta na niya agad ang pagod na ipupuhunan niya sa iniaalok na trabaho sa kanya.

Sabi uli ng impormante, “Ang dami-daming nangangailangan at naghahanap ng work, pero siya naman, ang iniisip niya agad, e, ang pagod na aabutin niya!

“Meron ba namang trabahong madali lang? Huwag na sana siyang choosy, pamilyado na siya, makatakas na sana siya sa rehas ng katamaran!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

SM food to go Banner Ad

Sharon malaki ang binagsak

Mas payat pa ngayon si Sharon Cuneta kesa sa kanyang panganay na si KC Concepcion. Paglalarawan pa ng iba, kung tokador daw ang Megastar, aparador naman si KC.

Kitang-kita ang ebidensiya. Malaki talaga ang ibinagsak na timbang ni Sharon, maging ang kanyang mukha ay magpapatunay na malaki ang milagrong ginawa sa kanya ng disiplina sa pagda-diet, samantalang si KC ay namumurok at malintog talaga ang mukha at katawan.

Napakatagal nang pangarap ni Sharon ang pumayat, hindi lang para maganda siyang tingnan sa kuwadro ng pelikula at telebisyon, kundi dahil hindi na siya bumabata pa.

Ang mga bagay-bagay na kinatatamaran ay kinatatakutan na kapag nagdadagdag ng edad ang tao. Mahihirapan ang puso sa pagtibok, magkakaroon ng kumplikasyon sa kung anu-anong sakit, ‘yun ang kinahihintakutan ng mga nagkakaedad.

Kung naging napakalaking problema para sa marami ang pandemya, para kay Sharon ay hindi, kahit ilang pandemya pa ang dumating ay hindi na siya maghihirap.

Maraming bentahe ang pandemya para sa Megastar. Nagkaroon siya nang sapat na panahon para sa kanyang pamilya. Ang mga anak niyang naglakihan nang hindi niya namamalayan dahil sa kaliwa’t kanan niyang trabaho ay palagi na niyang ka-bonding ngayon.

May mga umagang paggising pa lang niya ay nasa kuwarto na nila ng senador sina Kakie, Miel at Miguel. Nagyayaya nang manood ng mga pelikulang gusto ng magkakapatid.

Kung minsan naman ay puro kuwentuhan lang ang ginagawa nilang mag-iina. ‘Yun ang mga panahong hindi ipagpapalit ni Sharon sa kahit ano.

Sayang nga, hindi nila kasama si KC na meron nang sariling buhay at mga prayoridad, ‘yun sana ang mas kukumpleto sa kaligayahan ng Megastar pero naiintindihan niya naman ang kanyang panganay.

Tama naman si Sharon. Ang anak ay parang ibon. Kapag buung-buo na ang mga pakpak ay nakahanda na talagang malayang makalipad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.