Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality gumimik na estudyante

0 280

Puro halakhakan ang maririnig sa paligid. Meron pang mga nag-aapiran. Matutunog na hagalpak lang talaga ang lumulutang.

May mga binabalikan kasing kuwento ang mga nagkukuwentuhan, mga istoryang hinding-hindi nila makakalimutan, nakatatak na ‘yun sa kanilang buhay-showbiz.

Dalawang kilalang male personalities ang bumibida sa kanilang mga kuwento. Si Male Personality A ay sikat na sikat ngayon, milyonaryo na, wala nang mahihiling pa.

Si Male Personality B naman ay sikat na sikat na rin, pero ang kanyang popularidad bilang artista ay nadagdagan, nasa serbisyo-publiko rin siya ngayon.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ‘yung kuwento tungkol kay Male Personality A, talagang pinlano ‘yun ng mga humahawak ng career niya. Baguhan pa lang siya nu’n!

“May mag-iinterbyu sa kanya, mahabang interview ‘yun, maagang dumating ang writer sa bahay ng nagma-manage sa kanya. Sabi ng manager, ‘Wait lang natin siya, manggagaling pa kasi siya sa school.’

“Natuwa naman ang writer, ‘Nakakatuwa naman, nag-aartista siya, pero hindi niya pinababayaan ang studies niya. Role model!’

“Heto na, hindi pa natatagalan, e, dumating na si Male Personality A. Meron siyang backpack, mayhawak pa siyang mga notebook at libro, estudyanteng-estudyante talaga ang dating niya!

“Natural, inusisa ng writer kung anu-anong subjects ang gusto niya. Hindi makasagot ang male personality, kasi, hindi naman totoong nag-aaral siya! Part lang ‘yun ng packaging sa kanya ng nagma-manage sa kanya!

“Pero sinuwerte ang mokong, sikat na sikat na siya ngayon, walang kamatayan ang character niya sa isang serye! At milyonaryo na siya, puwede na talaga siyang mag-aral kahit sa pinakamahal na eskuwelahan!” humahagalpak na kuwento ng aming impormante.

Bukas itutuloy ng aming source ang kuwento tungkol kay Male Personality B, nakakaloka rin kasi ang kuwento tungkol sa kanya, abangan!

Jake wapakels sa lola

Maraming nang-uusisa sa amin kung bakit parang hindi naman pinansin man lang ni Charice Pempengco (a.k.a. Jake Zyrus) ang panawagan ng kanyang Lola Tessie Pineda.

Sa lumabas na video ng panawagan ni Nanay Tessie sa mapusong broadcaster na si Raffy Tulfo ay sinabi nito, “Charice, anak, nasaan ka na? Nakakaya mong magpakain ng ibang tao, pero ako na lola mo, hindi mo man lang mabigyan nang kahit piso!”

Matindi ‘yun, nangungunsensiya, lalo na’t ang kanyang lola naman talaga ang palagi niyang kasama nu’ng pasali-sali pa lang siya sa mga amateur contest.

Ang unang inireklamo ng matanda ay ang kawalanghiyaan ng kanyang anak na si Raquel, ina ni Charice, lumayas ito sa bahay ng kanyang anak dahil sa pambabato sa kanya ang bote ng tubig na may yelo.

Tinugunan naman ni Raffy Tulfo ang mga hiling ni Nanay Tessie, ipagagamot ito ng matapang pero mapusong broadcaster, bibigyan din ng pambili ng mga gamot at pangkabuhayan showcase.

Pero ang reaksiyon ni Charice ang hinihintay ng ating mga kababayan, bakit parang nananahimik lang ang magaling na singer, kinalimutan niya na ba ang mga pagsasakripisyo ng kanyang lola para matupad ang kanyang mga pangarap?

Isang source ang tumawag sa amin, meron itong ipinaalala, “Ayaw na sigurong makihalo pa ni Charice sa problema ng lola at mother niya. Matindi ang saloobin ni Charice kay Raquel, inilabas niya ‘yun sa librong sinulat niya, di ba?

“At sa lola niya naman, hindi na rin siguro makakalimutan ni Charice ang sinabi ni Lola Tessie nu’ng mag-out na siya! Hanggang ngayon, e, nasa utak pa rin niya ‘yun.

“Ang sabi kasi nu’n ng lola niya, ‘Charice, hindi mo puwedeng baguhin ang pagkatao mo. Babae ka pa rin, buwan-buwan, rereglahin ka pa rin!’

“’Yun siguro ang dahilan kaya tahimik lang siya ngayon sa mga sentimyento ng lola niya,” napapailing na pagtatapos ng aming kausap

Leave A Reply

Your email address will not be published.