Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality hirap mamakla

0 153

Bantay-sarado ngayon ng mga Marites ang bawat galaw ng isang kontrobersiyal na male personality na kilalang-kilala sa pakikipagrelasyon sa mga becki.

Relasyon na kahit kailan ay hindi niya naman inamin, panay-panay ang pagdedenay niya, pero tuluy-tuloy naman ang panggegetlak niya ng biyaya sa becki.

Kuwento ng aming source, “Mahihirapan na siyang mamakla ngayon, hindi siya tinatantanan ng mga matang palaging nakatutok sa kanya! Paano niya ‘yon gagawin kung maraming nakasunod sa mga galawan niya?

“Alangan namang puro telepono lang sila ng becki, di ba? Naiinis sigurado ang male personality na ‘yon sa karakas niyang nalantad sa publiko!” napapailing na buwena-manong reaksiyon ng aming source.

Ang male personality na ito ang mayhawak ng korona ngayon sa mundo ng pakikipagrelasyon sa mga becki. Kinabog niya ang mga lalaking personalidad na kilalang-kilala rin dati sa ganu’ng linya.

Patuloy ng aming source, “Sumobra naman kasi ang isang ‘yon, masyado niyang pinagsamantalahan ang pagkakataon! Lahat ng puwede niyang makuha, wala na talaga siyang itinira sa pamamakla niya!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Aba, ang latest na kuwento nga ng isang source na malapit sa male personality, e, meron pala siyang pangarap na hindi nakuha sa pamamakla niya!

“Plano pala niyang ipagpatayo ng farm house ang family niya! ‘Yon pala ang dream niya, ang makakuha siya ng farm at du’n na kuning titira ang pamilya niya!

“Nalaman niya kasi na maraming lupain ang becki, so ang naisip niya, e, ang maglambing ng lote na gagawin niyang farm! Mataas talaga ang pangarap niya!

“Kaso, bago pa niya nagawa ang plano niya, e, naganap na ang ayaw niyang mangyari! Tinawagan siya ng wife ng businessman, diretso siyang sinabihan na tantanan na ang pakikipagrelasyon sa negosyante, or else, magsasalita na ang wifey sa isang talk show!

“Hindi pa rin siya tumigil, humabol pa siya! Baka nga naman makalusot pa ang mga inilalambing niya, kaso, ang misis na ng negosyante ang mayhawak ng phone!

“Huli siya! Bokya ang lahat ng plano pa niyang makuha! Grabe ang male personality na ‘yon! Para siyang dikya! Tutuyuin niya talaga ang dugo ng nakakarelasyon niyang becki by golly wow!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.