Abante Tonite Interactive

Male personality init ng ulo ang minana

726

tonite-no-thanks-cristy-ferminIsang guwapong young male personality ang na­ging paksa nu’ng isang araw sa isang malaking umpukan. Lahat ng nandu’n ay hinayang na hinayang sa paganda na sana nang pagandang takbo ng kanyang career.

Pero naunsiyami pa ‘yun, naudlot nang dahil sa mga kahinaang disiplina ng young male personality, kung kailan siya makababalik ang malaking tanong ngayon.

Sabi ng isang source sa umpukan, “Ang dami-dami niya naman kasing puwedeng manahin sa pinagmanahan niya, pero kung bakit ang init ng ulo pa ang nakuha niya.

“Ganyang-ganyan ang pinagmanahan niya, konting bagay lang, e, napakainit na agad ng ulo. Maigsi ang pasensiya, umbagan na agad ang gusto!

“Ayun, nakuha ng bagets ‘yun! Napakaigsi rin ng pasensiya ng batang ‘yun, walang pagdadalawang-isip kung kumilos, manang-mana talaga siya sa pinagmanahan niya,” sabi ng impormante.

Nu’ng hindi pa nagaganap ang kontrobersiyal na kuwento tungkol sa young male personality ay marami nang katrabaho niya ang nakakapansin na palagi siyang walang kibo.

“Hindi naman kasi siya ganu’n by nature, makulit siya, palabiro, kaya nu’ng napansin na nilang palagi siyang tahimik, alam na ng mga katrabaho niya na may problema siya.

“Naku, hindi lovelife ang pinoproblema niya, wala sa kanya ‘yun, iba ang naramdaman sa kanya ng mga nakakasama niya palagi,” isang source naman ang nagsabi.

Sana raw ay gumanda na ang sitwasyon ng young actor dahil sayang na sayang ang kanyang sinimulan. Magaling pa naman siyang umarte at propesyonal.

“Para lang siyang maangas, pero hindi siya mayabang. Maganda lang ang katawan niya kaya mukha siyang may dating na kakaiba.

“Pero okey ang batang ‘yun, maganda ang PR niya, magaling siyang makisama. Sana nga, maging maayos na siya. At sana, magkaroon na siya ng tiwala sa sarili niya,” hiling ng aming source.

 

TV show ni Kris tablado kina Bimby, Josh

Walang ibang hiling si Kris Aquino Pasko man o ordinaryong araw lang kundi ang sana’y uma­yos na ang kanyang katawan. Wala na siyang pinapangarap pang materyal na bagay dahil nasa kanya na ang lahat-lahat.

Kakambal ng hiling niyang maging maayos din ang kalusugan nina Josh at Bimby. Mahina ang sikmura ng kanyang panganay at may asthma naman ang kanyang bunso.

Ganu’n nga yata. Wala nang problema si Kris sa pera, baka nga hindi na niya alam kung saan ‘yun dadalhin, kaya ibang problema naman ang ibinibigay sa kanya.

Balik-trabaho na siya ngayon, maraming nabimbin niyang kompromiso ang isa-isa niyang tinatapos nga­yon, ang kanyang mga abogado na ang namamahala sa mga kasong isinampa niya laban kay Nicko Falcis at sa kapatid nitong abogado.

Siyamnapung araw lang ang itinatagal ng mga kaso ngayon sa piskalya, mandato ‘yun ng Supreme Court, kaya naghihintay na lang ang kampo ni Kris kung ano ang magiging resulta ng mga kasong ihinain niya laban sa kanyang dating katrabaho.

Malakas ang support system ni Kris, hindi man nagsasalita ang kanyang mga kapatid ay tutok na tutok ang mga ito sa mga nagaganap sa kanyang buhay, isang pangako ‘yun na binitiwan ng kanyang mga kapatid bago pumanaw ang kanilang ina.

Isa lang ang hiling ng mga tagasuporta ni Kris na hindi nagbabago ng kulay mula nu’n hanggang ngayon. Huwag na muna ang TV show, ang kaligtasan muna niya ang pinakamahalaga, saka ang kundisyon ng kalusugan nina Josh at Bimby.

“Ako, kaya ko ang lahat, pero kapag nakikita ko sina Josh at Bimb na hindi maganda ang health, that’s the time na I get nervous right away.

“Ako ang unang nate-tense, kasi, bukod sa siblings ko, sila na lang ang meron ako nga­yon,” sabi ni Kris sa isang kuwentuhan namin.