Abante Tonite Interactive

Male personality ipinahid ang sipon sa pantalon

659

PONCING ang tawag ng marami sa isang kilalang male personality. Ang taguring ‘yun ay galing sa palagi niyang pagkakaroon ng sipon.

Si Poncing, sasabihin ng kanyang mga katrabaho, dahil parang hindi iniiwan ng virus ang kilalang male personality.

Nakakatawang kuwento ng isang source na saksi sa pangyayari, “Di ba, kadalasan, e, nagkakaroon lang tayo ng sipon kapag nagpapalit na ang panahon? Mula sa tag-araw, e, biglang lalamig ang klima, du’n lang umaariba ang sipon, di ba?

“Eh, bakit siya, sipon for all seasons ang meron siya? Tag-araw o tag-upan, talagang palagi siyang may sipon, kaya Poncing ang palihim na tawag sa kanya ng mga co-stars niya!” kuwento ng impormante.

Ganu’n palagi na nga siyang may sipon ay wala siyang pakiaalam sa hygiene. Hindi siya namumuhunan ng mga stuff na tulad ng tissue, panyo o kung anumang masisingahan niya.

Isang source naman ang nagkuwento, “Location shooting ‘yun, malapit na siyang sumalang sa action scene. Natural, mahirap nga namang makipagsuntukan kung tumutulo-tulo ang sipon niya, di ba?

“Nagpunta siya sa isang gilid, suminga siya nang ubod lakas, pero ipinahid lang niya ang kamay niya sa pants niya! Ang dami-dami kayang nakakita sa kanya!

“Ano ba naman ‘yun? Malaki naman ang kinikita niya, bakit hindi siya uminom ng gamot? Bakit hindi siya bumili ng tissue paper, para kapag sisinga siya, e, hindi niya ipinupunas ang kamay niya sa kung saan-saan?

“Nakakatakot tuloy kumamay sa kanya, kasi, baka kasisinga lang niya, e, lumipat pa ang virus sa iyo, di ba?” natatawang kuwento ng impormante.
Pero mukhang may sagot na sa problema ng male personality, maligaya ang kanyang lovelife ngayon, mukhang maalagaan siya ng kanyang girlfriend.

Balik-kuwento ng aming source, “Naku, harinawa! Maturuan naman sana siya ng tamang hygiene ng girlfriend niya! Mawala na sana ang sipon for all seasons niya!

“Sayang, ang guwapo pa naman niya, bortang-borta ang body niya, pero palagi siyang sinisipon? Ano ito, lokohan?” tawa pa rin nang tawang kuwento ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Dyowa ni Willie mapagbibintangang pera ang habol

TOTOO ang sinabi ni Meryll Soriano na ang kailangang makarelasyon ng kanyang amang si Willie Revillame ay isang babaeng singero sa pagmamahal sa kanya.

‘Yung hindi titingin ang babae sa kung sino siya at kung gaano siya kayaman. ‘Yung mamahalin si Willie bilang siya at hindi ang kung anumang meron siya.

Sa estado ngayon ni Willie bilang isang sikat na personalidad na marunong sa buhay kaya marami siyang naipupundar na mga propyedad ay mahihirapan siyang makakita ng babaeng sinsero.

Mapang-engganyo kasi ang kanyang kayamanan, pati ang kanyang kasikatan, iisipin ng marami na ‘yun lang ang minahal sa kanya.

Kahit pa mahal na mahal naman siya ng babae ay hindi ‘yun ang makikita ng mga nakatanaw lang. Iisipin agad ng iba na gagamitin lang siya ng babae pero iiwan din pagkatapos.

Walang ipinagkaiba ang sitwasyon nina Willie Revillame at Vice Ganda. Dahil pareho silang sikat at bilyonaryo, sinumang makarelasyon nila ay pagbibintangang pera lang ang habol sa kanila, ang tingin lang sa kanila ay balon ng kayamanan.

It’s lonely at the top, maraming nagsasabi, pero ‘yun ang kapalit na presyo ng kanilang katayuan ngayon.

Malungkot sa itaas dahil hindi nila alam kung sinu-sino ang totoo sa kanila, kung sino ang tunay na nagmamahal, dahil mga bukod silang pinagpala.