Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality iresponsable sa sustento

0 100

Hindi na bago ang hindi pagtupad ng isang male personality sa sustentong kailangan niyang ibigay sa kanyang anak sa isang female personality.

Lumang kuwento na ‘yun, inaamag na sa taguan, dahil pinanindigan na ng male personality ang hindi niya pagtupad sa obligasyong dapat niyang tuparin.

Kuwento ng aming source, “Walang pagkakaiba ang noon at ngayon, ke maganda ang sitwasyon o may pandemya, e, hindi na bago ang pagiging iresponsable ng lalaking ‘yun!

“Idinaan na sa legal nu’ng babae ang sustento para sa anak nila, magbibigay nang ilang beses ang lalaki para hindi siya kasuhan ng girl, pero pagkatapos lang nang ilang buwan, e, deadma na naman siya sa kapakanan ng anak niya!” unang sultada ng aming impormante.

Meron naman siyang pagkukunan, malaki ang kinikita niya sa sunud-sunod na proyektong ginagawa niya, pero talagang hirap na hirap siyang ibigay ang nararapat para sa anak niya.

“Nakakahiya talaga ang ginagawa niya. Kapag may girlfriend siya, e, napaka-generous niyang magregalo sa girl. Pero ang hindi naman kalakihang dapat niyang ibigay sa anak niya, e, hirap na hirap siyang pakawalan.

“Halos ipagpalimos na nga nu’n ng female personality ang sustentong dapat niyang ibigay sa anak nila, pero wala nga yatang kunsensiyang bumabagabag sa lalaking ‘yun!

“Hindi na siya nahiya, kaya niyang maglabas ng pera nang ganu’n kabilis para sa mga girlfriend niya, pati sa mga kapritso niya sa buhay, pero ang napakahalagang obligasyong kailangan niyang tuparin, e, wala sa mga prayoridad niya?” naiinis na komento pa ng aming source.

Pero para sa mas nakararami, ang pinakanakakahiyang senaryo sa kuwentong ito ay ang pagpapalaki at pagmamahal na ibinibigay ng kasalukuyang karelasyon ng girl sa sarili niyang anak, tunay ngang nakakahiya ‘yun.

“Hindi na siya nahiya! Wala na nga siyang sustento sa anak niya, ni moral support, e, hindi niya maibibigay? Juice colored! At sumpa ng mga sumpa, kapangalan pa niya ang male personality na gumaganap sa obligasyong dapat, e, siya ang nagbibigay para sa dugo ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Related Posts

Kris pinamukha mamahaling singsing kay Korina

Sariwa ang kuwentong nakarating sa amin. Kumbaga sa isda ay namumula ang hasang at maputi ang mga mata kaya hindi bilasa.

Kumpirmado nang nabura sa listahan ng mga bagong programang mapapanood sa TV5 ang programa ni Kris Aquino. Wala na ‘yun. Burado na.

Ang komento ni Kris bilang sagot sa isang nag-post ng komentong siya ang problema at hindi ang TV5 ay totoo raw na nasa kanya ang problema, “Hindi kasi nila ako bet.”

Umusok kasi nu’n ang kuwento na may mga ehekutibo ng network na hindi siya gusto. Pero kuwento-kuwento lang naman ‘yun at wala tayong anumang hawak na pruwebang narinig o nabasa na ayaw nga sa kanya ng mga bossing ng istasyon.

Nag-aabang ng giyera mundial ang marami ngayon dahil ang lumutang na pangalang ipinalit ng producer kay Kris na sinasabi niyang mas viable ay si Korina Sanchez.

Kung pruweba bilang host ang pag-uusapan ay hindi sila nagkakalayo, minsan na silang nagkasama sa isang pang-umagang programa ng ABS-CBN, nagpalutang sila ng kani-kanyang talento sa show.

Umugong nu’n ang istoryang hindi sila magkasundo, ewan lang kung may kuneksiyon ‘yun sa pagiging dating karelasyon ni dating Pangulong P-Noy si Korina, o marami talaga silang hindi pinagkakasunduan.

May kuwento pa nga tungkol sa singsing na gustung-gustong bilhin nang hulugan ni Korina mula sa isang alahera, pero hindi nito nakuha, dahil maraming obligasyon ang magaling na news anchor sa kanyang pamilya.

Isang umaga ay sinabi diumano ni Kris kay Korina, “I heard you like this ring, but you can’t afford. I bought it na and I paid this in cash.”

Ha! Ha! Ha! Ha! Maraming kuwento tungkol sa kanilang dalawa na siguradong maglalabasan ngayong si Korina Sanchez na nga ang pumalit sa show na dapat ay pagbibidahan ni Kris Aquino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.