Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality iwas-talak ng esmi

0 208

Hindi dinisenyo sa langit ang pagsasama ng dalawang kilalang pigura. Puwedeng sabihin na aso lang siguro ang hindi nakakakilala sa lalaking personalidad dahil sa laki at lawak ng kanyang pangalan at popularidad.

Ang babae naman siyempre ay sabit na sa kasikatan ng male personality dahil ito ang karelasyon at ina ng kanyang mga anak.

Kuwento ng aming source, “Wala namang marriage made in heaven. Palaging may mga pagsubok, hindi naman maiiwasan ang ganu’n.

“Nagkakaroon din siyempre sila ng mga argumento na nauuwi sa matinding pagtatalo, pero hindi ‘yun nagtatagal, dahil magaling umiwas ang guy para lumala ang kanilang away.

“Mahusay siyang umiwas. Puwedeng nagkukulong na lang siya sa isang kuwarto at du’n siya nagpapalipas ng init ng ulo. Magtatalak man ang wife niya, kundi niya naman naririnig dahil nakakulong siya sa kuwarto, e, walang problema!

“Kung minsan naman, e, umaalis ang guy sa bahay nila, nagpupunta siya sa house ng mga kaibigan niya. Wala lang, nakikipagkuwetuhan lang siya du’n hanggang sa lumamig na ang ulo niya.

“Siyempre, pagdating niya sa bahay nila, e, tulog na ang misis niya, wala nang problema, tatabi na siya para palipasin ang magdamag,” kuwento ng aming impormante.

Simple lang naman pala ang hindi nila pagkakaintindihan. Makukuha sa haplos ng pagmamahal. Mga simpleng bagay lang ang pinagtatalunan nila.

“Wala lang talagang hilig sa away ‘yung lalaki, iniiwasan niya ‘yun, kaya umaalis na lang siya. Kunwari, pinagbabawalan ng guy ang wife niya na pumreno sa paggastos. Natural, aalsa agad ang boses ng babae.

“Marami na agad siyang talak, marami na siyang sasabihin na mataas ang tono ng boses niya, ayaw ng lalaki ang ganu’n.

“So, para wala nang problema, ang lalaki na ang gumagawa ng paraan na huwag lumalim ang problema nila. Mabait ang guy, pasensiyoso, saka napakasimple pa rin niya hanggang ngayon kahit pa sikat na sikat na siya at super-yaman na!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pak na pak ang ugali niya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Radyo Singko apektado sa pandemya

Kahapon at ngayon ay kanselado ang mga programa ng Radyo Singko mula umaga hanggang sa hapon. Mula sa Boljak hanggang sa Cristy Ferminute ay walang umeere.

Naka-lockdown ang TV5. Pagkatapos ng ginawang stationwide disinfection nu’ng nakaraang linggo ay ibayong pag-iingat pa rin ang kailangang gawin dahil may mga nagpositibong empleyado ng network.

Bukas pa ang regular na pagbabalik ng mga programa ng Radyo Singko. Hindi talaga maiiwasan ang ganitong senaryo dahil sa laganap na pandemya.

Buhay muna bago ang hanapbuhay, ‘yun ang palaging sinasabi ni MVP (Manny V. Pangilinan), maraming panahon para sa pagnenegosyo pero ang buhay ng tao ay iisa lang na kailangang pag-ingatan.

Pagkatapos naming hindi mag-show nina Manay Lolit at Mr. Fu sa buong panahon ng MECQ ay balik-chikahan naman ngayon sa Take It, Per Minute… Me Gano’n.

Sangkatutak na isyu ang naipon habang wala kami sa ere, kaya siguradong wasak ang isang oras naming kuwentuhan ngayong tanghali sa TIPMMG, matagal nang sabik na sabik na mag-opinyon si Manay Lolit sa dami ng mga kontrobersiyang naglalabasan ngayon.

Coco huling tatalon sa ibang network

Maraming nang-uusisa sa amin kung totoong may emisaryo nang lumapit sa pamunuan ng TV5 para sa paglipat ni Coco Martin.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang diumano’y paglipat ng action star sa network, pero nakapagdududa ang balita, dahil umeere pa ang Ang Probinsyano hanggang ngayon sa pamamagitan ng CineMo sa SKY Channel, Cablelink, G-Sat Direct TV at sa maraming cable operators sa buong bansa. Napapanood din ang serye online sa You Tube Channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Mukhang malayo sa katotohanan ang kuwento. Isa si Coco Martin sa mga iniisip naming pinakahuling personalidad ng ipinasaradong ABS-CBN na lulundag sa ibang istasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.