Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality keber maging bading

0 564

Nakakaaliw ang kuwento ng aming source tungkol sa isang male personality na hindi natatakot gumanap na bading sa pelikula at serye. Wala siyang pakialam kung sunud-sunod man ang mga alok sa kanya.

Wala siyang takot dahil kilalang-kilala ng male personality ang kanyang sarili, wala siyang itinatago, hindi siya kloseta.

Humahalakhak na unang kuwento ng aming source, “Nu’ng minsang magkatuwaan sila ng mga katropa niya, e, nag-bar hopping sila. Natural, guwapo ang male personality, malakas ang sex appeal sa mga becki!

“Tinitingnan siya ng mga bading, may malisya pa nga ang titig ng iba, pero hindi mo siya makikitang naiirita. As in, okey lang siya, parang wala lang!

“Hindi siya nako-conscious, walang makikitang pagkairita sa kanya, napaka-game ng lalaking ‘yun! Hindi siya game na magpahada, hindi lang siya nangpapahiya ng mga bading na uma-appreciate sa itsura niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Nu’ng lumalalim na ang gabi, habang nag-iinuman ang magkakatropa ay nauwi ang kanilang kuwentuhan sa mga papel na ginagampanan nila, madudulas na ang dila nilang lahat nu’ng mga oras na ‘yun dahil sa kalasingan.

Patuloy na chika ng aming impormante, “Natanong si ____(pangalan ng guwapong male personality) kung hindi ba siya natatakot na baka ma-typecast siya sa mga gay roles?

“Magaling kasi siyang gumanap na lantarang becki, patagong becki at anumang role na may koneksiyon sa kabadingan. Napakadiretso ng dila ng lalaking ‘yun, kaya ang sagot niya, e, malapit nang ika-tumbling ng mga kainuman niya!

“Diretso niyang sinabing hindi, dahil kilalang-kilala niya ang sarili niya! Totoo naman kasi ‘yun, lalaking-lalaki siya, mahilig siya sa girls, wala pang kuwentong nagkaroon siya ng interes sa kabaro niya!

“At ang ikinaloka pa ng mga kainuman niya, sabi ng male personality, ‘Bakit ako matatakot na gumanap na gay? Ako ba sina ____at ____(pangalan ng mga sikat na aktor na pinagdududahang becki)?’

“Iwas na iwas silang mag-portray ng gay role, kasi nga, kilalang-kilala rin nila ang mga sarili nila! Alam nila kung ano ang gusto nila!

“Takot na takot sila, kasi nga, e, mabubuking na hindi na sila umaarte, natural na natural na lang sila! E, itong male personality na ito, e, umaarte lang naman! Walang personalan, trabaho lang!

“At alam na alam ‘yun ng isang female personality na nakarelasyon niya. Palaging mainit ang libido ng male personality, siya kuno ang lalaking walang pahinga sa kama!” humahalakhak pa ring pagtatapos ng aming source.

Bimby ‘bala’ ni Tetay kay James

May nakakuwentuhan kaming source na malapit na malapit kay James Yap. Mahaba ang naging usapan namin, hanggang sa mauwi na nga sa pinakahuling pagkaladkad na naman ni Kris Aquino sa basketball player, si Bimby ang parang naging bala ni Kris sa giyera.

Bilang kaibigan ni James Yap ay nalulungkot siyempre ang aming source, nananahimik na nga raw ‘yung tao ay kung bakit kinakalampag pa rin ni Kris, ikinalulungkot ‘yun ng kanilang tropa.

Sabi ng aming source, “Kunsabagay , baka hindi na rin nagulat si Hames (tawag kay James ng malalapit niyang kaibigan), kasi, parang lagnat na lang ‘yun na paulit-ulit. Gagaling, pero babalik na naman uli.

“Kapag palagi na lang ganu’n na nananahimik ka na nga naman, pero ipinapahiya ka pa rin, e, masasanay na rin ang system niya. Parang wala na lang. Ang masakit lang this time, e, ang anak na niyang si Bimby ang nagsasalita.

“Parang ‘yung anak na niya ang nagagamit para siya siraan. Du’n lang siguro magre-react si Hames, pero kay Kris, sanay na sanay na siya!” natatawa na lang na reaksiyon ng aming kausap.

Dahil du’n ay nakakatikim na naman ng bashing si Bimby, wala raw itong respeto sa kanyang ama, dahil pagbali-baligtarin man daw ang mundo ay wala ito ngayon kung wala ang nakasalo sa kaligayahan ng kanyang ina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.