Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality keber sa afam ng dating dyowa

0 157

Hindi umepek ang drama ng isang female personality para pagselosin ang kanyang dating boyfriend na hanggang ngayo’y mahal na mahal niya.

Maraming naaawa sa babaeng ito dahil lahat na yata ng paraan ay ginawa na niya para magkabalikan sila ng kanyang dating boyfriend pero wala pa ring nangyayari.

Kuwento ng aming source, “Hindi pa rin siya nakakapag-move-on, talagang ginagawa niya ang lahat para magkabalikan sila, pero ang guy, mukhang wala namang pakialam!

“Inaalam niya ang mga activities ng male personality, ipinagpipilitan niya ang sarili niya, sumasama siya sa kung saan nagpupunta ang guy, pero wala pa ring balikang nangyayari!” unang sultada ng aming impormante.

Ibang klase raw ang pag-ibig na tumama sa female personality, wala siyang ibang mahal, ang ex pa rin niya. pinagpapayuhan na nga siyang mag-move-on ng mga kaibigan niya, pero wala siyang pinakikinggan, deadma lang siya.

“Heto, nu’ng pagod na pagod na siguro siyang ipagpilitan ang sarili niya sa guy, e, nakaisip siya ng kakaibang paraan. May nakilala siyang foreigner, nag-picture-picture sila, masabi lang niya na meron na siyang ipinalit sa ex niya!

“Kaso, walang epekto ‘yun sa male personality, wapakels ang lalaki, parang balewala lang sa kanya ang lumabas na picture ng ex niya at nu’ng afam! Parang keber! Ganu’n lang ang guy!

“Nakakaawa naman ang girl na ito, maganda naman siya, may dating naman, pero bakit nga ba ganyan na lang siya kasabik na magbalikan sila ng guy na wala namang pakialam sa kanya?

“May mga kuwento kasing lumalabas na masyadong selosa ang girl, sinusundan-sundan niya ang guy kahit saan. Natural, ayaw ng lalaki ang ganu’n, dahil parang walang tiwala sa kanya ang babae.

“Tantanan na niya ang paggawa ng kung anu-anong drama dahil hindi naman effective ‘yun sa lalaki! Lalo lang siyang nagmumukhang kawawa, samantalang puwede naman siyang maging maligaya sa ibang guy!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Espesyal na lalaki ni Kris inulan ng pintas

Kay Kris Aquino nagsimula ang apoy. Binati niya ng happy birthday ang isang espesyal na lalaking dumating daw sa kanyang buhay. Pa-blind item lang ang atake ni Kris.

Matagal na panahon daw ang kanyang pinalipas bago siya nagtawid ng mensahe sa lalaking ‘yun na nakasama niya sa kalungkutan. Nu’ng mga panahon daw na napakalalim ng kanyang pagdadalamhati ay ang naturang lalaki ang nagbigay sa kanya ng suporta.

Pinawi raw ang kanyang luha at isinalin sa ngiti, pakiramdam daw ni Kris ay napakaligtas niya sa anuman dahil sa ipinakikitang malasakit sa kanya, bukod pa sa gusto raw ng kanyang bunsong si Bimby ang mahiwagang lalaki.

Gustung-gusto ng mga kababayan natin ang blind item. Kahit sa mga tabloids, talk shows at iba pang atake ay paborito ng mga Pinoy ang pitik-bulag.

Natumbok ng mga netizens kung sino ang special man na pinatutungkulan ni Kris. Ito ang pulitikong nagtrabaho sa DILG na mula sa Liberal Party at kaibigan ng kanyang namayapang kapatid na dating pangulo.

Si Mr. Mel Senen Sarmiento ang binati ng happy birthday ni Kris, 59 years old na, na kung ilarawan ng mga bashers ay ang bagong lalaking guguluhin ni Kris ang tahimik na buhay.

Kung bakit naman umamin ang dating sekretaryo ng DILG nang i-bash ito at sinabihang napakamalas naman dahil kay Kris.

Buong-ningning nitong sinabi na hindi malas si Kris, napakasuwerte nga raw nito dahil pinasasaya ito ng TV host, bakit daw malas ang sinabi ng basher?

Umpisa na ito. Ghost month pa naman. Kung anu-ano nang pamimintas ang tinatanggap ngayon ng espesyal na lalaki sa buhay ni Kris.

Leave A Reply

Your email address will not be published.