Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality keri makipag-dyug sa 4 na babae

0 770

Nu’ng kainitan pa ng libido ng isang pamosong male personality ay may kakaiba siyang atake para hindi magkita-kita sa kanyang tirahan ang mga kababaihang nakakasabay niya sa paglipad sa alapaap ng kaligayahan.

Korek! Ganu’n katulis ang lalaking personalidad nu’ng kanyang kabataan, magkakasunod ang dating ng babae sa kanyang unit, kinakaya niyang “pagbigyan” ang lahat sa isang araw lang.

Kuwento ng aming source, “Ibang klase si ____(pangalan ng guwapong male personality) nu’ng kabataan niya, para siyang makina, walang kapaguran! Talagang napakahilig niya sa tsuktsakan, kabog na kabog niya ang kahit sino nu’ng kapanahunan niya!

“Saan ka naman makakakita ng lalaking halos wala nang pahinga dahil tatlo hanggang apat na babae ang nakakasabay niya sa paglulunoy sa kaligayahan?” unang chika ng aming impormante.

Pero may dagdag pang impormasyon tungkol sa kainitan ng karburador ng male personality, meron siyang tinatawagan para umalis agad ang girl kapag tapos na silang magpakalgaya, heto naman ang kuwento.

Patuloy ng aming source, “Kapag alam niyang medyo magkikita ang dalawang girls sa unit niya, e, meron siyang tinatawagan! Sasabihin niya, ‘Ah, papunta ka na ba dito? May meeting tayo tungkol sa project ko? Wait, give me at least thirty minutes!’

“Natural, kinakabahan ang girl dahil may makakakita sa kanya sa unit ng male personality, kaya magmamadali na siyang umalis! Libre na ang guy na tanggapin ang susunod na babaeng makakachurvahan niya!

“Nakakaloka! Maparaan ang male personality sa kanyang pagiging playboy! Walang nagkikitang mga babae sa unit niya dahil kunwari, e, pupunta ang manager niya sa unit niya!

“Ganu’n katindi nu’n ang guwapong male personality, napakarami niyang natitikman, safe na safe siya dahil matatakutin ang mga babaeng nakakatsuktsakan niya!

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pero ibang-iba na siya ngayon, nagsawa na siguro siya sa bibingka, kaya ang wife na lang niya ang nag-iisang nakakasama niya sa paglipad sa kaligayahan!

“Walang kupas ang kaguwapuhan niya, madaling hulaan kung sino siya, ulitin n’yo lang ang tatlong unang letra ng name niya at tumbok n’yo na kung sino siya!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sanya, Gabby tatapusin na ang serye

Maraming malulungkot dahil nag-last lock-in taping na ang seryeng “First Yaya” na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Hanggang one season na lang talaga ngayon ang mga serye ng GMA-7.

Pang-thirteen weeks na lang lahat ang mga serye dahil umaaray sa laki ng gastos ang produksiyon. Sa pagpapatupad pa lang sa mga health protocols ay napakalaki na ng kinakaing budget, kapag sinabing lock-in ay wala na talagang mga artista at miyembro ng produksiyon na pinalalabas ang network, kaya napakasakit nu’n para sa istasyon.

Kung kailan naman lulong na lulong na ang ating mga kababayan sa ikot ng kuwento ng “First Yaya” ay saka naman tatapusin na pala. Mabibitin ang manonood na nakatikim ng bagong putahe, sa isang panahon nga namang nakauumay na ang mga seryeng ilang taon nang umeere pero nand’yan pa rin, ay kakaiba ang “First Yaya.”

Pero mag-iiwan ng marka ang seryeng ito, niyakap ng publiko ang kanyang kuwento, magtatapos ang palabas na maliligaya ang lahat ng bahagi ng istoryang ito.

At panahon ngayon ni Sanya Lopez, napamahal siya sa ating mga kababayan, pero hindi sila dapat malungkot dahil meron pang serye ang kanilang paboritong aktres kasama si Senador Bong Revilla—ang “Agimat Ng Agila.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.