Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality kinainggitan ng mga kababayan

0 224

Kung may mga kamag-anak na pumupuri sa isang male personality na biglang gumanda ang estado ng buhay ay natural lang na meron ding hindi masaya para sa kanya.

Napakalaking biyaya naman talagang dumating sa buhay ng male personality ang pakikipagrelasyon niya sa isang sikat at mayamang gay personality. Walang kuwestiyon tungkol du’n.

Kuwento ng isang source na kilalang-kilala ang male personality, “Sabihin na nating nagmamahalan talaga sila. Sabihin na rin nating mahal na mahal nga ng male personality ang gay benefactor-karelasyon niya.

“Pero siyempre, hindi mawawala sa isip ng mga kababayan natin na kapit sa patalim ang ginawa ng male personality. Siya ang nagkaroon talaga ng pakinabang sa relasyon nila ng gay personality.

“Hindi niya maiiwasang ganu’n ang isipin ng mga tao tungkol sa kanya,” opinyon ng aming impormante.

At hindi niya mapipilit na maging masaya ang lahat para sa kanya, siguradong may hindi rin magiging happy sa naging pag-unlad ng buhay niya, puwedeng inggit pa nga ang dahilan nu’n.

Balik-chika ng aming source, “Kapag nagpunta kayo sa lugar na kinalakihan ng male personality, e, siya ang paboritong topic. May positive, may negative, ganu’n naman talaga, di ba?

“Kapag umuuwi siya sa kanila na nakamagarang kotse, ang sasabihin agad ng mga nakakakita sa kanya, ‘Tingnan n’yo nga naman, dati, e, sumasabit lang siya sa tricycle, pero ngayon, e, de-kotse na siya!’

“Natural lang naman ang mga ganu’ng paghusga, meron kasing mga taong wala namang personal na galit sa kanya, pero naiinggit naman! Mahirap i-please ang lahat ng tao!

“Lalo na ang mga kamag-anak niya na ang akala yata, e, nakapulot siya ng mina ng ginto, kaya lapitan nang lapitan sa kanya!

“Hindi naman siya makapagdedesisyon nang siya lang, hindi niya naman pera ang ilalabas niya, pera ‘yun ng karelasyon niyang madatung! Kaya mahirap din ang sitwasyon niya ngayon.

“Sagana nga ang buhay niya, natulungan nga niyang makabangon sa kahirapan ang family niya, pero marami namang nagagalit sa kanya! Ayun!” napapailing na pagtatapos ng aming source.


Aljur, Kylie binebenta ang bahay

May impormasyong nakarating sa amin na ibebenta na nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang ipinundar nilang townhouse sa Quezon City.

Hindi pa malinis ang dokumento, hinuhulugan pa rin ‘yun ni Aljur buwan-buwan sa halagang isandaang libong piso, pero maliit na lang ang kanilang balanse sa bahay.

Sabi ng aming source, “Kapag naibenta na nila ang bahay, magbabayad sila ng mga utang, ang matitira, ‘yun ang puwede nilang pagsimulan uli. Puwede silang magnegosyo.”

Pero panahon ng pandemya ngayon, mahirap magbenta ng mga ari-arian, puro pabenta nga ang nangyayari ngayon dahil sa hirap ng ekonomiya ng ating bayan.

Pero kung pera ang kanilang pinagtatalunan ngayon ay malaki ang maitutulong ng pagbabawas ng kung anumang meron sila ngayon, kapag bumalik naman sa normalidad ang sitwasyon ay puwede uli silang makapagpundar, nu’ng nakaraang taon pa ay naririnig na namin ang kuwento ng bentahan ng kanilang tinitirhan.

Ayon kina Aljur at Kylie ay bahay na raw ang gusto nilang bilhin, ‘yung may garden na mapaglalaruan ang kanilang mga anak, hindi pa pumuputok nu’n ang balitang nagkakaroon na sila ng problema.

Hindi maganda sa pandinig na pera ang dahilan ng pagkakalabuan nila. Lalong hindi maganda ang kuwentong nanggagaling kay Kylie na ultimo panggasolina ay sa kanya pa hinihingi ng aktor.

Sana’y makapag-usap sila nang masinsinan, upuan nilang mabuti ang mga bagay-bagay na nakagugulo sa kanilang relasyon, milagro ang nagagawa ng komunikasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.