Abante Tonite Interactive

Male personality kinakabog ang mga aktres sa makeup

589

INGGIT na inggit ang mga babaeng artista dahil kinakabog sila ng mga kagamitang pangkolorete ng isang kilalang male personality. Bonggacious ang kanyang make-up stuff!

Siya ang male personality na nangwindang nu’n sa isang make-up artist na natoka sa kanya sa isang serye. Nilatagan niya ng mga pang-make-up ang gumagawa sa kanya.

Kuwento ng source, “Shock boogie ang make-up artist! Puro branded ang mga pang-make-up ni male personality! From sponge to foundation hanggang sa mga brush at shades na ginagamit niya, bongga!

“Parang du’n na raw yata napupunta ang kinikita ng male personality, talagang alam niya ang mga latest brands!” humahalakhak na kuwento ng aming impormante.

Laging pinagdududahan ang gender ng male personality, pero tigas naman siya sa kadedepensa, kilalang-kilala raw niya ang kanyang sarili.

Sabi ng aming source, “Lalaki raw siya. O baka naman lalaki ang hanap niya?”

Showbiz couple tambay sa drug den

PALAGING nakikitang magkasama ngayon ang isang showbiz couple na nagpupunta sa mga lugar na palaging pinupuntahan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kilalang-kilala ang male personality, ang babae naman ay pamoso rin sa kanyang linya, nag-aartista na rin ang girl ngayon.

Sabi ng isang source, “Minamarkahan sila, marami na kasing nagdududa sa mga places na pinupuntahan nila. Karamihan sa mga nagpupunta sa lugar na ‘yun, e, nagbibisyo. Pati sa mga party na pinupuntahan nila, pinag-uusapan silang dalawa!

“Parang hindi na raw sila naliligo. Kung ano ang suot nila the previous day, ‘yun din ang isinusuot nila the next day. Nagmumuka na raw silang dugyot!” kuwento ng aming impormante.

Kris hinaharang ang pagbabalik-TV

MAGANDA na nga ang sitwasyon ni Kris Aquino, mukhang naugat na ng kanyang mga doktor na banyaga kung ano at saan nagmumula ang kanyang allergies, nadadagdagan na ang kanyang timbang ngayon.

Aktibo na uli siya sa social media, marami siyang kuwento at inilalabas na video, senyal na maayos na ang kanyang kalusugan ngayon.

Ang pinananabikan ng kanyang mga tagasuporta ay ang muli niyang pagbabalik sa telebisyon na mukhang mailap pa sa ngayon. Gumagawa ng mga paraan si Kris, hindi na lang niya ‘yun ipinamamalita, pero hindi niya kakampi ang panahon.

Nakapanghihinayang ang mga pagkakataong lumilipas dahil sa totoo lang, napakagaling na host ni Kris Aquino, walang makakakabog sa kanyang talento sa paghawak ng talk show.

Masyadong masakit ang biro sa kanya ng tadhana, sino ba ang mag-aakala na ang poste ng ABS-CBN nang halos dalawang dekada ay magkakaganyan pala, pagsasaraduhan ng lahat ng butas na puwede niyang lusutan para makabalik lang siya?

Pero hindi pa naman katapusan ng lahat, baka sa susunod na taon ay biglang kumambiyo ang kanyang career, muli na siyang mapapanood sa linyang kanyang-kanya lang.

Payong-kapatid ni prop na hindi namin alam kung tatanggapin o iluluwa ng kalooban ni Kris, “Sana lang, e, huwag na siyang masyadong naglalabas ng mga personal information sa social media. Lumayo na muna siya sa mga gadgets niya.

“Nababawasan ang mystery niya, parang lahat na lang kasi, e, ibino-broadcast niya, tama na ang mga ganu’n dahil wala nang natitira na para sa kanya lang sana.

“Tigilan na niya ang ganu’n dahil nakakabawas ang mga ipino-post niya sa pagka-miss ng publiko sa kanya,” suhestiyon ng kaibigan naming propesor.