Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality kinaliwa ng dyowa

0 122

Napatunayan ng isang male personality na wasak ang puso ngayon ng ibang-iba talaga ang pagmamahal ng pamilya. Puwede tayong talikuran ng buong mundo pero ang pamilya ay nand’yan para tayo samahan at yakapin.

Kahit pala sa panaginip lang ng aktor ay hindi niya nakita na magkakahiwalay sila ng isang female personality na minahal niya nang sobra-sobra.

Kuwento ng aming source, “Walang-wala sa isip niya na mangyayari ang hiwalayan nila. Wala naman kasi silang pinag-awayan, maayos ang relasyon nila, pero nangyari pa rin ang lahat.”

Ang napansin lang ng male personality ay bihira na silang magkita ng girl. Parang walang nanggagaling na pagkasabik sa babae. Hanggang sa pati ang kanilang pag-uusap sa telepono na lang ay dumalang na nang dumalang.

Patuloy ng aming source, “Third party lang ang puwedeng reason, ‘yon lang ang puwedeng magpabago sa pagtingin ng girl sa boyfriend niya. Wala naman kasi silang problema, e!

“Pero nu’ng nakasama na ng girl ang male personality na partner niya sa isang palabas, du’n na nagsimulang nawalan ng gana ang girl sa boyfriend niya,” komento pa ng aming impormante.

Ikinuwento rin ng source na kahit nakalabas na sa lock-in taping ang babae at nakauwi na sa kanyang condo ay hindi rin nagkakaroon ng pagkakataon ang male personality na makadalaw.

Sabi uli ng aming source, “Maraming reasons na ibinibigay ang girl. Kesyo dadalaw raw siya sa family niya, dadalawin daw niya ang lola niya dahil nagtatampo na sa kanya. Maraming gustong dalawin ang girl kesa sa makipagkita sa kanya.

“Kapag nagkakausap sila virtually, parang matabang na ang girl, hindi na tulad nang dati na malambing siya sa BF niya. Napakalaki na ng pagbabago.

“Du’n na nag-isip ang male personality na talagang may nangyayari na. Hanggang one day, nauwi na nga sa break-up ang lahat. Bagsak na bagsak ang guy, pero nagtrabaho pa rin siya nang maayos, wala ngang napansin ang mga katrabaho niya na broken-hearted pala siya.

“Pamilya ang tinakbuhan ng male personality, napakalaki ng pamilya nila, du’n lang nakapaglabas ng emotion ang guy. Maayos na siya ngayon, kahit nasasaktan pa rin siya, pinaganda ng family niya ang outlook niya sa buhay.

“He cried a river, sobrang sakit ng naramdaman niya sa paghihiwalay nila ng girl,” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Bea pinasadya ang upuan ng ermat na PWD

Aminado si Bea Alonzo na kapag nandu’n siya sa kanyang Beati Firma Farm sa Zambales ay parang nakakalimutan niya ang lahat ng pagod niya sa pagtatrabaho.

Nu’ng huling dalaw niya ay nagtanim pa siya ng dalawang puno ng calamansi, namitas siya ng mga gulay na kinagabihan ay iniluto ng kanyang ina, hayahay naman talaga ang buhay sa bukid.

Tapos na ang bahay nila ng kanyang mommy, napakalaki ng pasasalamat niya kay Mommy Mary Anne at sa kanyang stepdad na si Ronald, dahil ang mga ito ang patuloy na nag-aalaga sa kanyang farm.

Dahil PWD nga ang kanyang ina ay ipinasadya niya ang maraming lugar ng bahay. Sa paliligo ni Mommy Mary Anne ay meron itong upuan na malapit sa shower.

Sabi ni Bea, “Hindi kasi siya makatatayo sa paliligo, kaya pinagawan namin si mommy ng upuan na sementado. Kailangang ibigay natin ang comfort sa parents nating PWD.”

Napakaganda ng kanyang farm. Sa paggising niya ay kitang-kita niya agad ang hilera ng mga puno ng mangga sa kanyang bintana. Nadagdagan na rin ang mga alaga nilang hayop, ang kanilang gulayan, ang kanilang fish pond at mga kubo kung saan sila nagsasalo-salo kapag nandu’n siya.

Kung wala lang sa Maynila ang tunay na laban ng karera ni Bea ay baka nga du’n na lang niya gustong mamalagi kasama siyempre ang kanyang mahal na si Dominic Roque.

Produkto ng pagtatrabaho ni Bea Alonzo nang maraming taon ang kanyang Beati Firma Farm. Tanawin lang niya ang malawak na lupain ay makakaramdam na siya ng kaligayahan dahil hindi nasayang ang kanyang pinaghirapan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.