Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality kinarir ang bagitong aktor

0 50

Kuwento ng isang source na hindi nanununog at nangunguryente ay walang kakabog sa isang popular na male personality pagdating sa pambabakod sa mga guwapong nag-aambisyong sumikat na artista.

Magaling siyang umamoy, alam niya ang gagawin para mapalapit sa bagitong nangangarap, nagtatagumpay siya palagi.

Kuwento ng aming source, “Simple lang ang male personality na ‘yun, pero rock na rock ang mga atake niya para makuha ang attention ng isang baguhan. Makita pa lang kasi siya ng nangangarap, e, naniniwala na agad sa kanya.

“Bakit nga naman kasi hindi makikipag-close sa kanya ang baguhan, e, pinakamagandang example mismo ang career niya? Sumikat siya, nagtagumpay, kaya very convincing ang male personality!” unang kuwento ng aming impormante.

May isang bagets na nakilala ang pamosong male personality, mula sa pagkikilala nilang ‘yun ay naging madalas na ang kanilang pagkikita, hanggang sa ‘yun na!

Patuloy ng aming source, “Almost everyday na silang nagkikita, talagang kinarir ng male personality ang bagitong lalaki, huwag namang sabihin na naglalaro lang sila ng chess habang magkasama sila sa condo unit ng kilalang male personality?

“Hindi na rin uso ang komiks ngayon, kaya huwag nilang sabihing nagbabasa lang sila ng mga nobela? Siyempre, umaakyat sila sa alapaap ng kailgayahan kapag magkasama sila!

“Siyempre, palaging namumula ang hasang ng male personality, bakit naman hindi, e, fresh na fresh ang nangangarap maging artista?

“Guwapo, bagets na bagets, katulad din niyang maganda ang katawan, kaya kapag magkasama sila sa condo, e, ayaw na niyang lumabas ng bahay!” kuwento uli ng aming impormante.

Pero bakit biglang natapos ang kanilang romansa? Bakit naging maigsi lang ang pagbiyahe nila sa langit-langitan ng kaligayahan? Anyare?

Huling sabi ng aming source, “Tinawagan ng bagets ang kaibigan niyang artista rin. Nagreklamo siya. Napakakuring kuno ng popular na male personality!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Umuuwi raw siyang latang-lata na, pero wala man lang daw food sa unit ng male personality. At ganu’ng pagod na pagod siya, e, wala man lang daw ibinibigay na pang-taxi sa kanya ang male personality, ganu’n pala siya kakuring!

“Ang yaman-yaman na ng male personality, ang dami-dami na niyang nabibiling properties, pero sarado pala ang mga palad niya kahit sa pakikipagkyondian?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Bea wapakels sa estado ni Dominic

Hindi kami naniniwala na ang totoong dahilan ng pagdedenay ni Bea Alonzo sa relasyon nila ni Dominic Roque ay ang malaking pagkakaiba na kanilang lebel bilang mga artista.

‘Yun ang sigaw ng mga bashers ng dalaga, hindi raw kasi matanggap ni Bea na ang ipinalit niya kay Gerald Anderson ay isang lesser actor, kaya itinago niya ang pakikipagrelasyon kay Dominic.

Kapag babalikan natin ang mga nakaraang pakikipagrelasyon ni Bea ay naugnay rin siya sa mga lalaking personalidad na hindi naman kapantay ng kanyang popularidad ang estado ng karera at pangalan. Mababanggit natin ang pumanaw na aktor na si Mico Palanca na ilang taon niyang naging boyfriend.

Hindi rin naman magkalebel ang kanilang popularidad ni Zanjoe Marudo. Oo nga’t aktibo ang career ng binata ay hindi pa rin ‘yun sasapat sa kasikatan ni Bea.

Hindi magandang pagkumparahin sina Dominic Roque at Gerald Anderson. Nakauungos talaga ang ex ni Bea, di hamak namang naunang nabigyan ng oportunidad ng ABS-CBN ang aktor, kesa kay Dominic.

Sa pakikipagrelasyon ay hindi kasali sa sukatan ang kasikatan, maging ang itsura, para sa isang nagmamahal ay walang saysay lahat ang mga ganu’ng katangian.

Ang mahalaga ay lantaran na ang pagmamahalan ngayon nina Bea at Dominic, wala na silang itinatago, handa na nilang panindigan sa publiko ang kanilang relasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.