Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality kinupitan ng utol

0 116

Sila pala ang magkapatid na tatlong linggo na ang nakararaan ay naba-blind item na may matinding away dahil sa pera.

Maraming magkapatid na artista, pero ngayon ay kalat na kalat na ang kuwento tungkol sa kung sinong magkapatid ang nag-aaway ngayon.

Kuwento ng aming source, “Matindi ang nangyayari, ang pangungupit ng pera ni Male Personality A ang ibinigay na dahilan ni Male Personality B kaya hindi na tuloy ang pagtakbo niya sa probinsiya nila.

“Malaking gulo ang nangyari, matindi kasi ang naging epekto sa plano ni Male Personality B sa sinasabi niyang ginawa ng kapatid niya!” unang kuwento ng aming impormante.

“Kapamilya” lang ang ipinost ng male personality tungkol sa nawala niyang pera. Donasyon sa kanyang kandidatura ‘yon ng kanyang mga kaibigan at tagasuporta.

Patuloy ng aming source, “Hindi na tatakbo si Male Personality B, nag-withdraw na siya, paano pa nga naman niya patatakbuhin ang kampanya niya kung ganyan na nawala ang pera niyang pang-ikot?

“Bukod sa utol niya, e, nababanggit din ang karelasyon ni Male Personality A, sila raw ang nagkakaalaman sa pagkawala ng inaasahan niyang suporta.

“Nakakaloka lang. Hindi ibang ibang tao ang kumuha ng datung ng male personality, mismong kapatid niya!” napapailing pang reaksiyon ng aming source.

May matinding pangangailangang pampinansiyal ang magkapatid ngayong darating na eleksiyon. Pareho silang tatakbo. Sa probinsiya ang mas nakatatanda at dito naman sa sentro muling tatakbo ang mas nakababata.

Sabi uli ng aming source, “Wala pang sagot ang mas batang politiko, naglabas na ng galit ang kanyang utol, pero tahimik lang sila ng karelasyon niya.

SM food to go Banner Ad

“Hindi naman kaya ginagamit lang ng male personality ang kapatid niya sa pag-urong niya sa pagtakbo? Pero delikadong akusasyon ang ibinato niya, hindi simple ‘yon, magkapatid pa naman sila pero nang dahil lang sa pera, e, magkakaganyan na sila?” hindi halos makapaniwalang pagtatapos ng aming source.

Alden nag-birthday sa bundok ng yelo

Sa Lake Tahoe sinalubong ni Alden Richards ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang kapatid at ilang malalapit na kaibigan. Sa larawan niyang lumabas ay para siyang nakatalukbong ng kumot.

Ang Lake Tahoe ay isang malawak na bundok ng yelo. Nandu’n din ang mga ice glaciers (mga buo-buong malalaking tipak ng yelo na tulad ng nabangga ng barko sa pelikulang Titanic).

Talagang kailangang magtalukbong si Alden sa sobrang lamig ng lugar lalo pa’t alas dose nang hatinggabi ang pang-aasalto sa kanya.

Hindi sasapat ang pasasalamat lang sa Diyos ang mensahe ni Alden. Naging napakabait nga naman sa kanya ng kapalaran. Natupad ang lahat ng kanyang mga pangarap nang dumating na ang takdang panahon ng kanyang kasikatan.

Wala na siyang mahihiling pa sa sitwasyon ng kanyang buhay at karera ngayon. Nagkaroon ng pandemya pero hindi naapektuhan ang kanyang pag-aartista. Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho habang naghihintay sa wala ang marami niyang kasamahan.

‘Yon ay dahil sa kanyang pagsisikap at pagsisipag, wala sa kanyang bokabularyo ang pagrereklamo, marunong siyang makisama at palaging nakalapat ang magkabila niyang paa sa lupa.

Walang dahilan para hindi magtagumpay ang isang tulad ni Alden Richards na hindi pinagbago ng oportunidad at kinang ng salapi. Wala siyang ipinagbago.

At napakabukas ng puso ng Pambansang Bae sa mga tunay na nangangailangan. Tumutulong siya nang tahimik, walang kahit anong ingay, kaya bumabalik sa kanya ang biyaya nang hindi lang sampung doble kundi higit pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.