Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality kuripot sa pagkain ng anak

0 211

Masinop sa buhay ang isang kilalang male personality. Pinahahalagahan niya talaga ang kanyang mga pinaghihirapan. Hindi siya nagsasayang ng kanyang pera.

Kaya naman nasusunod niya ang kanyang mga luho. Wala siyang bisyo, malinis na malinis siya sa ganu’n, never siyang naugnay sa usapin ng mga bisyong nakasisira ng katawan.

Kuwento ng aming source, “Maayos siyang magpalakad ng buhay niya, mga importanteng bagay lang ang pinagkakagastusan niya. Hindi siya nagsasayang ng pera.

“Pero pagdating sa mga hilig niya, e, lumuluwa ang bulsa niya, hindi siya nagtitipid, bakit nga naman, e, ‘yun lang ang kaligayahan niya? Wala naman siyang bisyo, hindi niya sisirain ang sarili niya.

“Ano bang milyunan ang halaga ng makapagpapasaya sa kanya? Kundi man niya ‘yun binabayaran nang cash, e, hinuhulugan niya,” unang kuwento ng aming source.

Pero ang pagiging masyadong masinop sa pananalapi ng male personality ay nakakaapekto sa mga mahal niya sa buhay. Mahigpit siya, lalo na kung puwede namang palampasin na lang ang inilalambing ng mga ito sa kanya, no way ‘yun para sa male personality.

Patuloy ng aming source, “One time, nag-message sa kanya ang anak niya, naglalambing ang bata ng pambayad sa ipadedeliber sana nilang pizza.

“Magkano lang ba naman ‘yun? Two hundred pesos lang. Ang sagot niya sa anak niyang naglalambing, ‘Ha? Again? I just gave you two hundred pesos last week for your hamburger!’

“Hindi na namilit pa ang anak niya, kasi nga, bilang na bilang niya kung kailan siya nagbigay ng pambili ng food ng mga anak niya.

“So, ang ginagawa ng mga bata, tinitipid na lang nila ang allowance nila sa school, ‘yun ang ginagastos nila sa pagpapadeliber ng food na gusto nila,” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Barya-barya lang ‘yun pero hindi pa ibinibigay ng aktor sa kanyang mga anak, paano pa kapag malaking halaga na ang pinag-uusapan, bumigay kaya siya?

Huling sultada ng aming source, “Lalo namang hindi, siguradong manghihinayang siya kapag libu-libo na o daang libo ang kailangan niyang ibigay!”

‘Yun na!

SM food to go Banner Ad

-o0o-

Tapos na ang Pasko. Ang kakaiba at malungkot na Pasko ng mga Pinoy. May mga nakaluluwag na pamilyang nagsama-sama pa rin pero mas maraming kababayan natin ang itinulog na lang ang Pasko.

Matindi talaga ang naging epekto ng pandemya sa buong mundo. Maraming nawalan ng trabaho, dinalaw pa tayo nang sunud-sunod na bagyo, pagbangon muna ang inaasikaso ng mga kababayan natin kesa sa selebrasyon ng Pasko.

Ngayon ay Bagong Taon naman ang inaabangan natin. Mas malungkot dahil pinagbawalan na ng pamahalaan ang pagbenta-pagbili ng mga paputok.

Pangtaboy raw sa kamalasan ang pagpapaputok, ‘yun ang kapaniwalaan natin, kaya maraming kumokontra sa ipinagbabawal dahil higit kailanman ay ngayon dapat itaboy ang masasakit na alaalang ibinigay ng 2020 sa ating buhay.

Ipagpasalamat na lang natin na pinagdamutan man tayo ng saya nu’ng nakaraang Pasko at sa papasok na Bagong Taon ay heto pa rin tayo. Buhay at nakikipaglaban pa rin sa mga paghamon at ligtas sa COVID-19.

-o0o-

Willie, Alden, Raffy yayamanin sa pandemya

Masuwerte ang mga Alden Richards, Willie Revillame, Vice Ganda, Raffy Tulfo, at marami pang ibang pesonalidad na tatlong beses mang umatake ang pandemya ay hindi pa rin maaapektuhan dahil sa kanilang kaginhawahan sa buhay.

Sila pa nga ang nagbibigay, kaligayahan na nila ang makatulong, kaya naman patuloy ang pag-agos ng biyaya sa kanilang buhay at career.

Sabi ni Willie Revillame, “Lilipas din ang Pasko at New Year, kaya lang, hinahanap natin siyempre ang nakaugalian na natin. Pero matindi ang ginawa ng pandemya!

“Sana naman, magkaroon na ng magagandang pangyayari next year. Sobra-sobra na ang paghihirap ng mga kababayan natin.”

Harinawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.