Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality lalaking PA lang ang kinakausap

0 342

Puro halakhakan ang maririnig sa paligid kapag binabalikan ng mga show promoters ang mga naging karanasan nila kapag kasama ang mga sikat na artista sa mga provincial shows.

Kani-kanyang drama sila, maraming reklamo, maraming hinihingi, maraming rekotitos sa buhay, minarkahan na ng mga show promoters ang mga personalidad na sobrang arte.

Kuwento ng isang source, “Mahirap magdala ng mga artista at singers sa malalayong probinsiya. Wala lang talagang magawa ang mga show promoters kahit ayaw nila sa personality, ‘yun kasi ang hinihingi sa kanila ng committee ng fiesta.

“Kaya tiis-ganda na lang sila sa mga personalities na sobrang arte. Nakakainit ng ulo ang mga artistang ganu’n, pero wala naman silang choice,” unang kuwento ng aming impormante.

Isa sa mga personalidad na ayaw na ayaw nang kunin pa sa mga provincial shows ng mga show promoter ay ang male personality na ubod nang angas.

Nalolokang kuwento uli ng aming source, “Maniniwala ba kayo na paminsan-minsan lang naririnig ng promoter ang boses niya? Mula sa pagbiyahe, hanggang sa makarating na sila sa destination, hindi siya nagsasalita.

“Ang kinakausap lang ng male personality, e, ang PA niyang lalaki rin. Puro sign language nga rin sila, e! Nakakaintindihan na sila sa pagsenyas lang ng male personality!

“Kunyari, kailangan niya ng suklay or brush, ituturo lang niya ang ulo niya. Kuha na agad ‘yun ng PA niya, iaabot na agad nu’n ang kailangan niya.

“Kapag kailangan niya naman ng mouth spray, ituturo lang niya ang bibig niya, kuhang-kuha na rin ‘yun ng PA niya, agad nang iaabot sa kanya ang mouth spray na ginagamit niya.

“Ganu’n lang siya. Kung sa PA nga niya, e, sign language lang sila kadalasan, ang show promoter pa kaya ang kausapin niya? Maangas ang male personality na ‘yun!

“Kailangang solo ang sasakyan niya, ang ibang artista, e, nagsisiksikan sa isang van lang, siya naman, e, prenteng-prenteng nag-iisa lang sa service.

“Naku, bahala na kayong pumili kung ano ang favourite color n’yo. Red, white or blue ba?” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Andrea kasal ang habol kay Derek

Sa paghihiwalay ng magkarelasyong artista ay palaging ang lalaki ang nadedehado sa laban. Kahit pa ang babae na ang maliwanag na may kasalanan sa hiwalayan ay ang lalaki pa rin ang pinupukol ng publiko lalo na sa social media.

At sa break-up nina Derek Ramsay at Andrea Torres ay puwede na uling magpatayo ng mansiyon ang hunk actor sa dami ng batong ipinupukol laban sa kanya ngayon, hindi na niya kailangang bumili ng bato at semyento, bakal na lang ang kanyang kailangan.

May pinanggagalingan kasi ang mga bumabato kay Derek sa hiwalayan nila ni Andrea, meron na kasi siyang history sa pakikipagrelasyon, matagal na relasyon pero hindi naman humahantong sa kasalan.

Sa istorya ng pagmamahalan nila nina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Joanne Villablanca na tumagal nang limang taon ay sobra pa sa sapat na panahon ‘yun para mauwi na sana sa altar pero hindi pa rin ‘yun nangyari.

‘Yun ang pinaghuhugutan ng mga netizens kaya tinatawag nilang makasarili at maramot si Derek na puro ang para lang sa sarili niyang kapakanan ang iniisip.

Sabi pa ng isa, “Car collector siya, di ba? Madali siyang magsawa, ano ang akala niya sa ma nakakarelasyon niya, collection lang?”

Usapin ng kasalan ang impormasyong nakarating sa amin mula sa isang source na malapit kina Derek at Andrea na pinagdiskusyunan nila nang matindi.

Ayaw sa live-in lang ng sexy actress, basbas ng kasal ang gusto ng dalaga, opinyon na hindi sinasang-ayunan ni Derek Ramsay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.