Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality lubog sa utang

0 601

Sa anumang larangan ay ipinapayo ng mga financial expert sa kanilang mga seminar ang pag-iipon habang patuloy ang pagdaloy ng biyaya sa kanilang buhay.

Sa bawat pisong kinikita, pagdidiin pa ng mga eksperto, ay kailangang itabi agad ang kalahati. Kailangang mag-ipon habang malakas pa ang kinikita para sa paghahanda sa kanilang kinabukasan.

Walang dinaluhang seminar ang isang kilalang male personality na hindi man nag-aartista ay parang ganu’n na rin dahil marami siyang tagahanga. Sinusubaybayan ng ating mga kababayan ang kanyang karera.

Kuwento ng aming source, “Kapag hinaluan talaga ng bisyo ang paghahanapbuhay, siguradong walang matitira sa kinikita niya. magtatrabaho siya, pero ang kauuwian naman ng kinikita niya, e, bisyo, talagang titihaya siya!

“Ang hanapbuhay pa naman niya, e, parang pag-aartista rin, walang kasiguruhan, hindi ipinapangako ang bukas sa mga tulad nila!” unang komento ng aming impormante.

Kung ang mga artista ay sinasabihang “They are only as good as their last movie,” ang male personality namang ito ay kabilang sa mga sinasabihang “You’re only as good as your last game,” alam na this!

Patuloy ng aming source, “Sobra siyang magsugal. Lulong na siya sa sugal! Lubog na lubog na siya sa utang sa lakas niyang magsugal! High roller ang lolo n’yo!

“Ang masakit pa, e, walang magawa ang wife niya sa bisyo niya! Hindi mabawal ang husband niya sa kabibisyo, kasi nga, e, baka hiwalayan siya! E, sobrang inlabey pa naman ang wifey sa mister niyang maraming faney!

“So, ang nangyayari tuloy, pati ang misis niya, e, problemado na rin ngayon. Napakarami na rin niyang pagkakautang sa pagsunod at pangungunsinti sa bisyo ng mister niya!

“Naku, kung makapagsasalita lang ang mga pinagkakautangan ng mag-asawang ‘yun, e, maloloka kayo sa mga kuwento! Pati ang mga naipundar nilang properties, isa-isa nang natutunaw, naibebenta na nila nang palugi para lang magkaroon ng puhunan si male personality sa bisyo niya!

“Naku, bago pa mag-last two minutes, e, mauntog na sana sa katotohanan ang male personality na ‘yun, or else, alam na niya kung saang kangkungan siya pupulutin!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Sanya, Gabby kinabog si Coco

Binubulabog ngayon ni Sanya Lopez ang mundo ng telebisyon. Panahon ngayon ng maganda at seksing aktres. Meron na siyang First Yaya katambal si Gabby Concepcion ay magsisimula na rin ang Agimat Ng Agila nila ni Senador Bong Revilla.

Lunes hanggang Biyernes ay napapanood siya sa First Yaya, tuwing Sabado naman ang serye nila ni Senador Bong, mag-uumpisa na ang Agimat Ng Agila sa darating na Sabado.

Grabe ang suporta sa First Yaya ng ating mga kababayan, talagang inilaglag na nila ang walang katapusang serye ni Coco Martin, kabog na kabog na ng tambalan nina Gabby at Sanya sa rating ang puro na lang flashback na serye ni Cardo Dalisay.

Katwiran ng mga kababayan natin ay pandemya ngayon, mahirap ang buhay, isa sa mga pangunahing pangangailangan natin sa araw-araw ay kuryente. Natural, hindi tayo magsasayang ng power para sa seryeng hindi naman natin gusto, lalo na kung paulit-ulit na lang ang mga eksena.

Masaya kami para kay Sanya Lopez na napakasimpleng babae. Sabi nga ng pamangkin naming si Ferdie de Leon, “Simple, pero rock! At NBSB pa!”

May kilig factor ang kanilang serye ni Gabby, bagong tema kasi ang ikot ng kuwento, presidente ng bansa na umiibig sa yaya ng kanyang mga anak.

Panalo ang kanilang mga eksena. Good vibes ang dating mula sa maghapong pag-iisip at pag-aalala kung kailan matutuldukan ang salot na bumabagabag sa buong mundo.

Walang makakokontra. Panahon ngayon ni Sanya Lopez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.