Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality mabenta sa hubad na larawan

0 714

Kaburyungan naman talaga ang hatid ng pandemya. Maraming walang ginagawa, makalabas man ng bahay ay paminsan-minsan lang, kaya inip na inip ang marami sa mga itinatakdang lockdown.

Apektado ang maraming lalaking personaldiad sa ganu’ng kalakaran, sobra na ang kanilang pagkaburyong sa buhay, kaya kung anu-ano na lang ang kanilang nagagawa.

Kuwento ng aming source, “May male personality na dahil sa sobrang pakaburyong sa buhay, e, abalang-abala sa kanyang katawan. Kulang na lang na parang palaka na i-disect niya ang mga parts ng katawan niya!

“Mula ulo hanggang paa, talagang kinukunan niya ng picture ang katawan niya. Hindi pa nga lang niya ‘yun inilalabas, pero one day, ipo-post din niya ‘yun!” unang kuwento ng aming impormante.

Dati nang nagpo-post ng mga retrato niyang hubad ang male personality, pero itaas na bahagi lang, wala pang bandang ibaba. Mabenta siya, napakaraming sumusuporta sa mga post niya, panalo naman kasi ang mga abs ng male personality.

Patuloy ng aming source, “’Yun ang paraan niya para makuha ang attention ng mga becki, ng mga matronix, ng mga girls. Para-paraan nga lang ngayon ang mga artista!

“At nananalo sa ganu’ng gimmick ang male personality, maraming nakikipagkilala sa kanya, pakikipagkilala na alam na this, kung saan mauuwi!” bitin pang chika ng aming source.

Madalas siyang mangibang-bansa nang nag-iisa lang. Wala siyang kasamang kaibigan o kapamilya, basta siya lang, palaisipan na lang kung sino ang katatagpuin niya sa airport o sa bansang pinupuntahan niya.

Sabi pa ng aming impormante, “Take note, siguradong meron siyang kasama dahil may kumukuha ng mga pictures na ipino-post niya! At nabubuking ang male personality, may ipino-post din ang kasama niya na ang background, e, kapareho rin ng sa kanya!

“Alam na this! Nakakapag-tour around the world na siya, e, nagkakadatung pa! Magaling ang male personality na ‘yun, simple lang ang gimmick niya, pero rock na rock!

SM food to go Banner Ad

“Tisoy siya, amoy at mukhang mabango, kaya mabenta siya sa merkado!” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.

Derek, Ellen biglang nanahimik

May katahimikan ang mundo ngayon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Walang masyadong ingay ang kanilang relasyon. May dahilan ang kanilang pananahimik.

Ilang araw na nilang inuupuan ang paghahanda sa nalalapit nilang pagpapakasal. May mga ka-meeting sila araw-araw personal man o virtual lang.

Dalawa-tatlong buwan pa mula ngayon ay ihaharap na nga sa altar ni Derek Ramsay si Ellen. Walang umasang sa kasalan mauuwi ang kanilang relasyon dahil napakabilis ng mga pangyayari.

Pero markado ang pahayag ni Derek na matagal na niyang gustong mag-asawa, gusto na niyang magpakasal, kaya lang ay sinisiguro niyang right woman ang aalukin niya ng kasal.

Maaaring hindi naging maganda ang dating ng kanyang sinabi sa mga nakaraan niyang nakarelasyon pero nagpakatotoo lang naman ang aktor. Iba nga naman ang sumpaang binibitiwan ng mga ikinakasal sa harap ng altar. Panghabambuhay ‘yun.

Kuwento ng isang malapit na kaibigan ni Derek, “Ngayon lang namin siya nakita na ganyan kasaya! At ang importante, ‘yung nakikita namin siyang masaya na maligaya. Ibang-iba ang happiness na ine-enjoy niya ngayon.

“Ang nagagawa nga naman ng love. Ang bilis-bilis ng mga pangyayari, sa haba ng journey niya sa pakikipagrelasyon, e, ang kakikilala lang pala niyang si Ellen ang mapapangasawa niya,” positibong kuwento ng kaibigan ni Derek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.