Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality mabilis mag-init ang ulo

0 130

Masyado palang madiwara sa buhay ang isang popular na male personality. Gusto niyang nasa ayos ang lahat sa kanyang bahay. Napapansin niya ang lahat, ultimo ang mga tanim nilang halaman, alam niya kapag nababago ang ayos ng mga ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Palibhasa nga, e, galing siya sa wala, ngayong meron na siya, e, gusto niyang maging maayos ang pamumuhay niya. Pero kung minsan, e, sumosobra naman ang gusto niya.

“Tuloy, nagkakanerbiyos ang mga kasambahay niya. Tulad nu’ng minsan, nililinis ng isang maid niya ang dekorasyon sa sala niya. Palaging sinasabi ng male personality na mag-iingat, para walang nababasag.

“Ayun, lalo tuloy may nasisira sa mga kagamitan niya, kinakabahan kasi ang naglilinis, kaya meron ngang nababasag! Nabibitiwan ang hawak dahil sa nerbiyos, ganu’n ang nangyayari!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Bago umalis ang male personality papunta sa kanyang trabaho ay iniikot muna niya ang buong kabahayan at bakuran niya. Kapag dumarating siya ay ganu’n din, kailangang i-check niya ang lahat, kahit pagod na pagod na siya.

Patuloy ng aming source, “Alam niya kapag nabago ang ayos. Kailangan kasing siya ang nagmamando sa mga kasambahay niya kapag may gusto siyang baguhin.

“Nagagalit na agad siya kapag may nagkukusang baguhin ang ayos ng mga kagamitan niya, kailangang siya ang kumukumpas sa lahat, walang puwedeng manguna. Kung paano niya iniwanan ang mga kagamitan sa pag-alis niya, kailangang ganu’n pa rin sa pag-uwi niya!” sabi uli ng aming source.

Madaling mag-init ang ulo ng male personality, maging ang kanyang mga katrabaho ay pansin na pansin ang maigsi niyang pasensiya, mabilis bumulwak ang dugo niya maging sa maliliit na dahilan lang.

“Nakakaloka ang mga kuwento tungkol sa kanya, napapansin niya pati ang mga nagkukuwentuhan sa set, samantalang break naman nila!

“Sabi nga ng ibang kasamahan niya, kung gaano raw kaigsi ang dila niya, e, ganu’n din kaigsi ang pasensiya niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Related Posts

-o0o-

Willie ramdam ang boses ng mga aayudahan

Habang papalapit ang Kapaskuhan, sa kabila ng pandemya, ay palaki nang palaki ang mga sorpresang gustong ibahagi ni Willie Revillame sa Tutok To Win.

Meron siyang Spin A Wil kung saan kapag iniikot ang roleta na may iba-ibang halaga ng papremyo ay palaki rin nang palaki ang mapapanalunan ng kanyang tagapanood na masuwerte.

Sabi ni WIllie, “Kahit hirap tayo sa panahong ito, e, kailangan pa rin nating pasayahin ang mga kababayan natin. Lalo na ang mga nawalan ng trabaho, ang mga OFW na nag-uwian na dahil sa coronavirus, sila ang gustung-gusto kong matulungan ngayong panahon ng pandemya,” sinserong pahayag ng TV host.

Sa tulong ng kanyang mga sponsors ay malaki na ang naitutulong ni Willie sa mga kababayan nating tumututok sa kanyang game show.

Sa umpisa ng kanilang tanungan-sagutan sa telepono ay maririnig ang mga sigawan at palakpakan ng masuwerte niyang tinatawagan. Masayang-masaya ang kanyang kausap sa kabilang linya.

Pero maya-maya lang ay maririnig na ang pagluha ng kalahok, sa panahong ito nga naman ay napakalaking biyaya na ang dalawampung libong piso na kung minsan ay dinadagdagan pa ni Willie ng sarili niyang pera kaya mas lumalaki, nananaghoy ang nasa kabilang linya sa sobrang pasasalamat sa kanya.

“Sa tagal ko na sa trabahong ito, e, alam ko nang kumilatis kung sino talaga ang nangangailangan. Ramdam ko ‘yun. Alam na alam ko sa boses pa lang kung sino talaga ang walang-wala at nangangailangan ng tulong.

“Kaya bukod sa ibinibigay ng mga sponsors, nagdadagdag talaga ako, kaligayahan ko nang makatulong sa kanila,” pagtatapos ng matagumpay na aktor-TV host.

Leave A Reply

Your email address will not be published.