Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality madaling pagsawaan ang dyowa

0 113

Paboritong pagpistahan ngayon sa mundong kinabibilangan ng isang kilalang male celebrity ang relasyon nila ng isang pamosong female personality.

Ayaw lang magsalita ng kanyang mga kasamahan pero iisa lang ang naiisip ng mga ito, hindi magtatagal ang relasyon nila ng young actress, dahil magsasawa agad ang lalaki.

“Totoo ‘yon! Ang dami-daming friends ng guy ang humuhula na hindi sila magtatagal ng girl! Sandali lang daw ang relasyon nila, kilalang-kilala raw nila ang guy, sobrang sawain!

“Saka paano raw naman hindi magsasawa agad ang guy sa girlfriend niya, e, parang ayaw na siyang pakawalan? Almost everyday, e, magkasama sila, ayaw humiwalay ng girl sa kahit saan siya magpunta, paano na?” unang sultada ng aming source.

Natural lang na kabisado na ng kanyang mga kaibigan ang ugali ng male celebrity, wala na siyang maitatago sa grupo, kaya maraming naniniwala sa kanilang mga sinasabi.

Patuloy ng aming impormante, “Hindi ba naman kasi madaling magsasawa ang lalaki kung sa araw-araw na lang, e, magkasama sila? Parang anino na niya ang girl, di ba?

“Kung saan siya nandu’n, e, siguradong nandu’n din ang girl, ni hindi man lang nila nami-miss ang isa’t isa, ano ba ‘yon?

“Naiinis pala kasi ang girl kapag hindi siya isinasama sa lakad ng guy, nagdududa siya na merong ibang dahilan ang guy, kaya ayaw siyang isama!

“Yes! Ganu’n nga siya kadudera! Marami siyang kuda kapag may lakad ang boyfriend niya at ayaw siyang isama! Natural, gusto rin naman ng lalaki na magkaroon siya ng time with his friends, di ba naman?

“Pero singit nang singit ang girl sa mga lakad ng guy, ayaw na nga siyang isama, pero ipinagsisiksikan pa rin niya ang sarili niya!” madiing kuwento pa ng aming source.

Kundi kuno magbabago ang ugali ng female personality ay buwan lang ang bibilangin ng relasyon nila ng male celebrity. Kilala pa naman ng kanyang mga kaibigan ang lalaki sa pagiging masawain.

Huling reaksiyon ng aming source, “Nag-e-enjoy pa sa ngayon ang guy, pero one day, e, magugulat na lang tayo, siya mismo ang kakalas sa girl! ‘Yon ang totoo!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Magigising na lang isang araw ang girl na wala na ang guy, para lang siyang bolang idrinibol-dribol!” pailing-iling na pagtatapos ng aming source.

Sharon hindi ikinahiya si Miel

Nadagdagan na naman ng miyembro ang komumidad ng LGBTQIA+. At tanggap na tanggap ng ating mga kababayan ang paglalantad ni Miel Cuneta Pangilinan sa tunay niyang kasarian.

Wala siyang sinaktan at tinapakan. Wala siyang kampong ginulo at pinagsalitaan nang masakit. Ang personal niyang kaligayahan at kalayaan lang ang sinentruhan ni Miel.

Napakaraming miyembro ng komunidad ang nagbukas ng pintuan para kay Miel, dalawang-kamay siyang niyakap, sinaluduhan ng mga kababayan natin ang kanyang katapangan at pagiging totoo.

Siyempre’y suportado ng kanyang mga magulang at mga kapatid si Miel, malawak din ang pang-unawang ibinigay ng kanyang mga kaibigan, malayang-malaya na ngayon si Miel Pangilinan.

Siguradong ang kokontra lang naman sa paglaladlad niya ay ang mga taong may matinding paniniwala na dalawang klase ng tao lang ang nilikha ng Diyos. Lalaki at babae lang. walang bakla at walang tomboy.

Pero kahit ang Santo Papa ay nagbigay na nu’n ng pahayag na lahat ng tao ay nilalang ng Diyos na pantay-pantay kaya ang bawat tao ay may karapatang pumili ng kanyang kaligayahan.

Hindi na bago kay Sharon ang rebelasyon ng kanyang anak, nagtatrabaho ang Megastar sa isang mundong pinamumugaran ng mga becki at tibo, hindi nito ikakahiya si Miel.

Tama lang na huwag niyang bigyan ng pansin ang mga bashers at trolls, huwag siyang magpapaapekto, hindi nabawasan ang kanyang pagkatao nang aminin niya na miyembro siya ng LGBTQIA plus community.

Napakaganda ng kanyang ginawa. Lumabas siya sa kloseta ng pagpapanggap, nagpakatotoo siya hindi lang sa publiko, kundi sa kanyang sarili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.