Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality madiskarte sa bading

0 629

Nakakaloka ang mga naipong kuwento ng mga beterano nang taga-showbiz tungkol sa isang male personality na kilalang-kilala at umasenso na nang husto sa buhay.

Nagsimula siya sa pagiging extra, magre-report sa shooting nang umaga pero makukunan na ang iilan lang naman niyang eksena nang palubog na ang araw.

Hanggang sa humaba na nang humaba ang mga papel na ginagampanan niya dahil magaling naman siyang umarte at may kakayahan siya na wala sa ibang aktor.

Kuwento ng isang beteranong source, “Dahil sa kahirapan, e, gumagawa siya ng paraan, maparaan ang male personality na ‘yun. Disimulado lang ang mga atake niya, pero rock na rock!

Birador kuno ng mga becki ang male personality, kahit sinong becki na may kuneksiyon sa kanyang trabaho ay ginagawa niyang ka-close, para maging madali ang lahat para sa kanya.

Patuloy ng aming impormante, “Kunwari, becki ang namamahala ng catering, kinakaibigan niya ‘yun, as in, talagang nakikipag-close siya, para sigurado na ang food niya!

“Sinusukat lang kasi ang pagkain sa set, pinagkakasya lang sa mga artista, staff at crew, kaya para hindi siya tasado sa food, kinakaibigan niya ang namamahalang becki!

“Ang make-up artist na becki, kinakaibigan din niya, mahalaga nga naman ang make-up sa mga artista. E, hindi pa naman niya kayang kumuha ng make-up artist, ‘yung sa kanya lang talaga, kaya ang make-up artist ng ibang mga artista ang kino-close niya!”

Kapag nawawala kuno ang mga becking alalay ng mga artista ay siguradong nandu’n sa tabi ng male personality. Puro becki ang kinakaibigan niya nu’ng nagsisimula pa lang siya.

Kuwento uli ng beterano naming impormante, “Siyempre, sa paghihintay niya, sa pagsisipag niya, at sa talent na meron siya, biglang naging bida na ang male personality!

“Iba na ang scenario, may alalay na siya, may personal make-up artist na siya, special na rin ang foodam niya, kasi nga, siya na ang bida!

“Napakakulay ng buhay-artista ng taong ‘yun, naghirap talaga siya, pero tingnan n’yo naman kung nasaan na siya ngayon! Hindi na siya basta sikat na action star, sikat na rin siyang politician!

“Mayamang-mayaman na siya, pero abot na abot pa rin naman ng mga dati niyang kasamahan! Aba, ikaw na ang maging si Pinuno, di ba naman?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Sharon inintriga ang sakit

Marami na namang bashers ang nagmamarunong. Nilagnat lang si Sharon Cuneta ay kinapitan na raw ng COVID-19. Nawalan lang ng boses ang Megastar ay may nagpasimuno nang basher sa pagkakalat ng balitang tinubuhan na raw siya.

Masarap nga namang target si Sharon Cuneta, anumang kuwento kasing tungkol sa actress-singer ay bentang-benta, kahit pa hindi naman totoo.

Ang mga artista ay tulad din nating napapagod, nagkakasakit, inaatake ng depresyon paminsan-minsan. Hindi naman ngayon at may titulo siyang Megastar ay libre na siya sa pagkakasakit, hindi na siya dinadalaw ng kalungkutan, hindi naman imortal si Sharon.

Walang taong matapang ngayon. Lahat ay naliligalig sa mga nagaganap sa buong mundo, nababahag ang buntot ng lahat ngayon dahil hindi natin nakikita ang ating kalaban.

At hindi naiiba sa ordinaryong mamamayan si Sharon, bilyonaryo man siya ay hindi naman excuse ang kanyang estado sa lipunan, napakaraming namamatay na mapera na hindi kinayang iligtas sa virus ng kanilang salapi.

Lahat ay pantay-pantay na dahil sa pandemya. Wala nang mahirap at mayaman ngayon, lahat ay puwedeng mabiktima ng salot, nakakatakot ang pangbuong mundong indultong ito.

Sa kabila ng pandemya, ang madalas na pamba-bash kay Sharon Cuneta ay isang senyal pa rin na hindi siya nawawala sa sirkulasyon, nasa gitna pa rin siya ng aksiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.