Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality mahilig sa libre

0 80

Mapagharimunan sa buhay ang isang guwapong personalidad. Kung puwede namang huwag na siyang maglabas pa ng pera sa bulsa ay bakit ang hindi?

Kahit saan siya magpunta ay ganu’n ang drama ng male personality na kahit nagkakaedad na ay guwapo pa rin at hindi nagbabago ang malakas na dating sa ating mga kababayan.

Kuwento ng isang source na dating nakakatrabaho ng male personality sa isang malaking produksiyon, “’Yun na siya talaga. Hindi lang siya matipid, mapagharimunan pa siya, at panalung-panalo siya sa mga ginawa niyang ‘yun!

“Magaling siyang umatake. Kunwari, sa isang malayong probinsiya ang location shoot ng ginagawa niyang project, pinag-aaralan na niya agad kung anu-ano ang mga produkto sa lugar na ‘yun!

“Kung tabi ng dagat, natural, ang produkto sa place na ‘yun, e, mga isda! Puwede rin namang mga dried products na tulad ng tuyo, dilis, tinapa at kung anu-ano pa!” unang hirit ng aming impormante.

Maagap ang male personality, nagdadala na agad siya ng mga plastic bin na paglalagyan ng mga prduktong ayaw niyang mangamoy sa kanyang sasakyan, talagang kina-career niya ang ganu’n.

“Siyempre, bigay-bigay lang ang mga iniuuwi niyang produkto, di ba? Hindi siya gumagastos, wala siyang binubunot sa bulsa niya, kasi nga, tuwang-tuwa ang mga faney na mabigyan siya ng mga products!

“Wala siyang problema kapag mga gulay ang inuuwi niya, hindi ‘yun nangangamoy sa van niya, puwede ring mga prutas ang iuwi niya, basta libre lang!

“Wala siyang ipinagbago. Mula nu’ng heartthrob pa lang siya hanggang ngayong nagkakaedad na siya, talagang bitbit pa rin ng male personality ang pagiging mapagharimunan niya!” madiing kuwento pa ng source.

Isang source naman ang nagkuwento na kahit nu’ng nagsasama pa sila ng sikat niyang misis ay ganu’n din ang drama ng male personality.

“Naku, nakakaloka ang kuwentong ‘yun! Di ba, grabeng magpa-grocery ang wife niya? Kapag dumadalaw siya sa family niya, e, du’n na lang sa pantry nila sa bahay namimili ng mga pampasalubong ang male personality!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Lahat ng puwede niyang kunin sa pantry, ginegetlak niya! Alam ‘yun ng wife niya dahil sinasabi ng mga kasambahay nila, hindi na lang nagsasalita ang misis niya!

“Ganu’n na siya talaga, basta libre, gustung-gusto niya. Ano naman ang kapalit nu’n? Nilalambing lang niya ang mga tao, inaakbay-akbayan niya, kaya binibigyan siya ng mga produkto!

“Ahahaha! Nakakaloka siya, araw-gabi, ‘yun na ang nakasanayan niya!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Regine walang plano bumalik sa Kapuso

Maraming nagtatanong, ngayong sunud-sunod ang paglilipatan ng mga artista ng ABS-CBN sa GMA-7, bukas pa raw ba ang pintuan ng Siyete para kay Regine Velasquez?

Si Regine ang palaging isinasangkot sa sitwasyon ngayon dahil nang magdesisyong lumipat na sa ABS-CBN ang Asia’s Songbird ay may mga pinakawalan siyang salita na siyempre’y nakapanakit sa damdamin ng mga ehekutibo ng GMA-7.

“At last, I’m now working with the number one station,” ang humigit-kumulang na pahayag nu’n ng magaling na singer. Pero hindi pa nagtatagal ay tinanggalan na ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sinapul na naman ng mga bashers si Regine, siya raw ang nagdala ng kamalasan sa nilipatan niyang istasyon, mga salitang mapanghusga na ikinasasakit siyempre ng kalooban ng misis ni Ogie Alcasid.

At heto na nga ang senaryo ngayon, maraming kontratadong pesonalidad ng Dos ang naglilipatan na sa Siyete, kaya ang pang-uusisa ng marami ay kung bukas pa ba ang pintuan ng GMA-7 para kay Regine?

Unang-una, mas naniniwala kami na malayo sa katotohanan ang tanong, dahil wala naman sa plano ni Regine ang bumalik sa GMA-7.

Gusto naming maniwala na anuman ang naganap sa ABS-CBN ay hindi ‘yun makaaapekto sa kanyang karera, tuloy pa rin naman ang kanyang trabaho sa network, kaya wala sa kanyang hinagap ang bumalik sa pinanggalingan niyang istasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.