Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality makalat kumain

0 230

Mabuti naman at nakatakas na sa hawla ng kanyang bisyo ang isang magaling pa namang umarteng male personality.

Napakaraming hinayang na hinayang sa kanya nu’ng mga panahong sobrang lublob siya sa masamang bisyo.

Tinanggal siya sa mga programang nasimulan na niya, pinatay na lang ang kanyang karakter sa istorya, dahil sa napakaraming problemang ibinibigay niya sa produksiyon.

Unang reaksiyon ng aming source, “Paano pa naman siyang makapagtatrabaho kung sobrang wasted na siya kapag dumarating sa set? Hindi na siya pakikinabangan!

“Palagi siyang wala sa kanyang sarili, napakarumi ng buong katawan niya, para siyang naglublob magdamag sa pusalian!” sabi ng aming impormante.

Dumarating ang male personality sa set na parang inaantok na hindi mawari ng mga namamahala sa produksiyon. Hindi na halos isya makapagsalita. Talagang ubos na ubos ang lakas niya.

Patuloy ng aming source, “Saan ka naman makakakita ng artistang walang dalang anumang kagamitan kapag nagre-report sa set? As in, wala! Kasi nga, e, hindi naman siya galing sa bahay nila!

“Nanggaling siya sa isang lugar na puro barkadang bad influence ang mga kasama niya. Natural, wala ang mga kagamitan niya sa taping!

“Heto pa! Sabay-sabay munang nagbi-breakfast ang grupo, kakain muna sila para tuloy-tuloy na ang trabaho nila. Kitang-kita na talagang wasted na siya!

“Imagine, hotdog ba naman, hindi niya matusuk-tusok ng tinidor? Napakalambot na ng hotdog, pero hindi pa niya matusok, paano mo pa siya maaasahang makapag-deliver ng dialogues niya?

“Meat loaf na napakalambot, hindi niya rin maisubo, nahuhulog kapag isinusubo na niya? Para siyang bata kung kumain, kalat-kalat ang rice, napakarumi niyang kumain!” dagdag na kuwento pa ng aming impormante.

Mahabang panahon ang sinayang ng male personality, pinakawalan niya ang magagandang roles na bagay na bagay sa kanya, mabuti na lang at nakatakas na siya ngayon sa bisyong nagpabagsak sa karera niya.

Sabi na lang ng aming source, “Siya lang ang dapat sisihin kung bakit sumisid nang ganu’n katindi ang career niya. Ang lalim ng sinisid, di ba? Sisid na sisid!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.