Abante Tonite Interactive

Male personality malikot sa aparato

597

Bilang tao, aktor at karelasyon ay napakaseloso pala ng isang pamosong male personality. Matindi ang kanyang insekuridad kahit pa sinuwerte na siyang magtagumpay sa karera.

Kalat na kalat na ang kuwento kung paano niya pinakikialaman-binabantayan ang mga papel na ginagampanan ng kanyang girlfriend na aktres.

Kuwento ng aming source, “Nanghihimasok talaga siya sa script, hindi puwedeng may bed scene ang girlfriend niya, meron mang yakapan at kissing scene ang female personality, e, kailangang simple lang ‘yun!

“Ganu’n siya kaseloso! Kapos na kapos siya ng tiwala sa sarili niya. Hindi puwede sa kanya ang mga eksenang gustong ipagawa sa girl ng production,” pasabog na kuwento ng aming impormante.

Maraming nagsasabi na kaya ganu’n ang male personality ay dahil siya mismo ang mahilig gumawa ng mi-lagro. Simple lang ang lolo, pero naman, matinik siya sa kababaihan.

Balik-komento ng a­ming source, “Ganu’n naman talaga, di ba? Thinkers are doers. Kung sino ang madalas magduda, ‘yun ang may ginagawang milagro!

“Nagtatawanan nga ang mga kasamahan nilang nakakaalam kung paano niya paghigpitan ang girlfriend niya. Kasi nga, alam ng mga taong ‘yun ang mga ginagawa niya!

“Duda siya nang duda, e, siya nga itong dapat pagdudahan! Siya ang dapat paghigpitan ng girl, dahil siya ang malikot sa aparato!

“Meron ngang kuwento ang mga miron na nakakakilala sa kanya. Kapag magarang kotse daw ang gamit nu’ng male personality papunta sa trabaho niya, e, walang milagrong magaganap!

“Pero kapag van ang dala-dala niya, e, piso manalo ng upos, siguradong may mi-lagrong mangyayari! Huwag na siyang magkaila, kabisado na siya ng mga kasamahan niya!” pagtatapos ng a­ming impormante.
Buking!
***

Mahal na mahal ni Gretchen Barretto ang mundong nagbigay sa kanya ng pagkakataong makilala ng publiko. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang ipagpatuloy ang pag-arte at pagkanta.

Pero ilang taon na siyang hindi aktibo sa pag-aartista, gumawa siya ng album ng mga old songs ilang taon na ang nakararaan, pero hanggang du’n na lang ‘yun.

Ang bira ng kanyang mga bashers, “Mag-artista ka na kasi uli para may pinagkakaabalahan ka! Kung may ginagawa ka, e, hindi ka magi- ging ganyan na sawsaw ka nang sawsaw sa kung anu-anong issue!

“Very idle ka kasi, wala kang ginagawa sa maghapon, naiinip ka na, kaya para may magawa ka naman, sali ka nang sali sa mga isyung hindi ka naman dapat makialam!” isa lang ito sa maraming upak kay Gretchen sa social media.

Pero malinaw ang naging pahayag ng aktres, ang kanyang partner na si Tony “Boy” Cojuangco ang nakiusap sa kanya na tumigil na sa pag-aartista, ilaan niya na lang daw ang kanyang panahon sa paggabay sa kanilang anak na si Dominique.

Sinunod ‘yun ni Gretchen, kahit pa lagi niyang sinasabi sa kanyang mga kapwa artista na miss na miss na niya ang pag-arte, mas pinahalagahan niya ang kanilang unica hija.

Sabi siguro ng kanyang partner, ano pa ba naman ang kailangan niya sa buhay, nakahiga na siya sa salapi at kailanman ay hindi na siya maghihirap pa.

Na totoo naman. Hindi na mauubos ni Gretchen ang kayamanang meron ang ama ni Dominique. Kahit wala pa siyang hawak na dokumento bilang misis ng negosyante ay siya pa rin ang kasama nito mula nu’n hanggang ngayon.

Pero ibang-iba pa rin ang passion. Siguradong nangangati na ang mga paa ni Gretchen Barretto sa pagbabalik sa mundong minahal niya.

Pangarap niya ang pag-aartista, naging popular siya, kaya sa likod ng kanyang utak ay palaging nandu’n ang kagustuhan niyang humarap sa mga ca-mera.