Abante Tonite Interactive

Male personality maraming nakarelasyong beki

1,035

MARAMING humanga sa kawalan ng kaplastikan ng isang kilalang male personality. Kung ang ibang male personalities ay sagana sa kung anu-anong pagdedenay tungkol sa pagkakaroon ng gay benefactor ay ibang-iba ang lalaking ito.

Oo kung oo lang ang kanyang sagot. Walang mga pero-pero, basta oo lang, tapos! Walang kaplastikan niyang sinasabi na hindi lang isa, hindi lang dalawa, marami siyang nakarelasyong becki.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n siya talaga. Kapag iniinterbyu siya walang halong pagkukunwari ang lalaking ‘yun! Ang katwiran niya kasi, e, kung ayaw siyang tanggapin, ‘di huwag!

“Kesa nga naman sa magsisinungaling pa siya! Kailangang kumuha ng seminar sa kanya ang mga male personalities d’yan na obvious namang may gay benefactor, pero kung anu-ano pang pagtatago ang sinasabi!

“Puwede ba? Pinagtatakahan na nga ng marami kung bakit paboloso ang buhay nila, pero sige pa rin sila sa kadedenay, pinaghihirapan daw nila ang kung anumang meron sila!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng kabataan pa ng male personality na ito ay nakapila ang mga becking gustong makalapit sa kanya. Guwapo na kasi ang aktor, makinis pa, at hindi siya mahilig sa paliguy-ligoy na usapan.

Balik-kuwento ng aming source, “Alam naman ‘yun ng mga nagiging girlfriend niya, e! Wala rin siyang itinatago! Sinasabi niya ang totoo, hindi uso sa kanya ang half truth lang!

“Saka puring-puri siya ng mga becki, marespeto kasi siya, hindi niya tinitingnan nang mababa ang mga bakla! Hindi rin siya nahihiyang makita in public na becki ang kasama niya, kaya saan ka pa?

“Medyo nagkakaedad na siya ngayon pero kitang-kita pa rin ang mga reasons kung bakit siya nagugustuhan ng mga becki. Malinis pa rin siya sa katawan, inaalagaan niya ang hygiene niya, yummy pa rin ang tingin sa kanya ng mga becki,” pagtatapos ng aming impormante.

Panalo!

Barretto war pinapaigsi ang buhay ni Mommy Inday

EPISENTRO pa rin ng kontrobersiya hanggang ngayon ang pamilya Barretto. Sila pa rin ang pinag-uusapan kahit saan. Pinagpipistahan ang teleserye ng kanilang buhay sa maraming umpukan.

At mahirap ang sitwasyon ni Mommy Inday Barretto. Parang lagareng Hapon ang matriyarka ng pamilya dahil kung minsan ay sina Gretchen at Claudine ang kasama niya at kung minsan naman ay si Marjorie.

At nagbabangayan ang magkabilang kampo. Parang ginto si Mommy Inday na pinag-aagawang makasama ng magkakapatid. Kani-kanyang post sila sa social media kapag kasama ang kanilang ina.

Mahirap maging nanay ng mga nagbabangayang anak. Lahat naman sila ay galing sa kanyang sinapupunan, sino ba ang mas kakampihan niya, meron ba?

Walang dapat panigan ang ina. kailangan niyang maging tulay at hindi pader para magkasundo ang kanyang mga anak.

May boses siya para magpayo sa kanyang mga supling, siya dapat ang nagmamando, hindi siya ang minamanduhan ng kanyang mga anak.

Tanong ng kaibigan naming propesor, “Para kasing nasira ang kasabihang ‘yun sa magkakapatid na Barretto. Walang may gustong makinig sa kanila, pare-parehong matataas ang ihi nila, kaya paano sila magtatagpo sa gitna?

“Nagmamatigas sina Gretchen at Claudine, panay-panay ang upak nila kay Marjorie, alam ba ng magkapatid na ito na pinaiigsi nila ang buhay ng mommy nila sa mga ginagawa nila?

“Masakit ‘yun para sa isang nanay. Maliban na lang kung kunsintedora si Mommy Inday, kaya ganyan ang kinalabasan ng ugali ng mga anak niya!” madiing komento ni prop.

Mismo!