Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality mas banidoso kesa sa dyowa

0 164

Sobrang banidoso pala ang isang male personality na nauugnay ang pangalan ngayon sa isang popular na aktres. Dahil sa kanyang pagiging vain ay kinakabog pa niya ang female personality na banidosa rin sa kanyang itsura at katawan.

Kuwento ng aming source, “Hindi na nag-iisa sa trono ngayon ang isang male personality na kung maligo, e, sangdamakmak ang dala-dalang stuff sa CR!

“May pipino, may yelo, may kung anu-anong pampakinis ng face at body, siya ang junior ngayon ng male personality na ‘yun! Mas vain pa sila kesa sa mga karelasyon nila! Nakakaloka sila!” sabi ng aming source.

Ang male personality na ito ay pinagtsitsismisan sa mga umpukan ng mga becki. Parang may alam silang kuwento tungkol sa guwapong aktor na nali-link ngayon sa isang magandang aktres.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Naku, kailangang mag-imbestiga ang girl tungkol sa past ng guy. Talasan dapat ng girl ang pang-amoy niya bago pa mahuli ang lahat!

“Baka kasi pagtawanan lang siya ng playboy niyang ex kapag nabulaga siya kung ano ang past ng guy na enjoy na enjoy sa pagkaka-link sa kanya!

“Tama lang ang hindi muna pagko-confirm ng girl kung mag-ano sila ngayon. Pigil-pigil lang muna para wala siyang salitang bawiin-kainin sa bandang huli!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Vice lumutang ang kaplastikan

Kung sinasabi nating maliit lang ang mundo ay di hamak na mas maliit ang mundo ng telebisyon. Sa isang iglap, lalo na sa isang panahong hindi natin inaasahan, ay may nagaganap.

Kaya hindi tayo dapat nagsusunog ng tulay, kailangang buung-buo ang ating pakikipagrelasyon, dahil baka ang winasak nating tulay pa rin na ‘yun ang ating tatawiran isang araw.

Sino ba ang makapag-aakala na mapapanood sa TV5 mula sa Linggo nang tanghali ang ASAP Natin ‘To? At sa TV5 na rin mapapanood ang mga piling-piling obrang iniwanan sa sambayanan ni Da King Fernandio Poe, Jr.?

Naghawak-kamay ang TV5 at ang ABS-CBN para sa kapakanan ng manonood. Kailangan ng free TV ng dalawang programa, Mega Manila lang ang sakop ng A2Z, kailangan pa ng cable para mapanood sila sa Channel 22.

Binati ni Vice Ganda ang dalawang network na nagsasanib-puwersa, maraming umalma sa kanyang pagbati, para sa mas nakararami ay kaplastikan ni Vice Ganda ang lumutang.

Komento ng aming anak-anakang at kaibigang si Randy Balaguer, “Naalala pa ba niya ang panlalait niya sa TV5 nu’ng maging guest niya si Alex Gonzaga sa GGV?

“Ang sabi niya kay Alex, ‘Ang papangit ng mga damit mo du’n! Di bale, wala namang nanonood sa inyo sa TV5!’ Ngayon, nasa TV5 na uli si Alex, kinain ang isinuka niya!

“Si Vice Ganda ngayon ang squatter sa network! Congratulations sa TV5 at ABS-CBN? Mukha niya!” lumalagutok na komento ni Randy Balaguer.

Wala nang naitatago ngayon dahil sa paghahari ng teknolohiya. Nababalikan ang nakaraan sa pamamagitan ng You Tube, hindi nabubura, kaya ang mga personalidad na malabiga ang dila ay palaging napapahiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.