Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality matigas ang ulo

0 177

Hindi na nagtataka ang maraming kasamahang artista ng isang kilalang male personality kung bakit pabigla-bigla siyang magsalita at magdesisyon.

Kahit nu’ng malakas pa ang male personality at nakakatrabaho nila ay ganu’n na ang kanyang ugali. Pabigla-bigla, mabilis magbitiw ng mga salita, wala siyang pakialam kung may masagasaan man siya at masaktan.

Sabi ng isang source, “Dati na siyang ganu’n, matigas ang ulo, walang pinakikinggang payo. Bakit pa siya nagtataka kung bakit wala nang kumukuha sa serbisyo niya?

“E, kahit sinong producer, madadala sa kanya! Kahit kapag kinukuha siya sa taping, e, binibigyan niya ng problema ang production!

“Wala siyang pakisama, kapag naisipan niyang umuwi na dahil cut-off na raw niya, e, wala siyang pinakikinggang pakiusap. Isang sequence na lang, e, iiwanan pa niya.

“Natural alangan namang ipagpabukas pa ng production ang nag-iisang sequence na ‘yun! Napakagastos, panibagong set-up, samantalang puwede namang pagbigyan niya ang production na mag-extend siya nang konting oras pa para sa natitira niyang mga eksena,” simulang kuwento ng aming impormante.

Magpapapigil lang ang male personality kapag dinagdagan ang kanyang talent fee. Barya lang kung tutuusin ang idadagdag sa kanya pero natural na sumama ang loob ng produksiyon sa kanyang ugali.

“Kumakalat ang kuwento ng unprofessionalism. Nakararating ‘yun hanggang sa ibang network. Ayun, tumumal nang tumumal ang career niya, walang kumukuha sa kanya, dahil mahirap nga siyang makatrabaho!

“Kaya hindi na nakapagtataka kung ganyan siya, kung anu-ano ang mga sinasabi, pabigla-bigla siyang magsalita! Matigas talaga ang ulo niya, mahirap siyang suhetohin!

“Tinulungan na nga siya ng mga kasamahan niyang artista, e, binaligtad pa niya ang istorya? Naku, magbago na sana siya bago pa mahuli ang lahat,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Jim nakakahiya

Umariba na naman ang sawsawerong laos na si Jim Paredes. Pansamantalang tumigil ang pag-iingay ng singer na ito pagkatapos pandirihan ng publiko ang kanyang sex video.

Pero buhay na naman siya sa pagpapalaganap ng kanyang kasarkastikuhan at pagbibigay ng mga opinyong kinokontra naman ng mga netizens.

Dilawan si Jim Paredes, inaaway niya ang mga pulitikong kaalyado ni PRRD, inuupakan din niya ang mga DDS. At dahil kadalasan ay nagiging kritiko ng mga Dilawan ang magaling na broadcaster na si Ted Failon ay tinawag niyang “spreader of fake news” ang walang inuurungang news anchor.

Ayun, dahil sa kanyang pahayag ay umani si Jim Paredes ng bashing, binalikan ng mga kababayan natin ang kahalayang ginawa niya habang nilalaru-laro ang kanyang sariling ari.

Mema lang. Makakontra lang. May maiopinyon lang. Anong fake news naman kaya ang ibinibintang ng singer na ito kay Ted Failon?

Sino kaya ang panay-panay ang paglalabas ng mga kuwentong puro kababalaghan lang naman? Sino ba ang madalas mabuking ng bayan na nag-iimbento ng mga senaryong puro kathang-isip lang naman.

Siya ‘yun. Si Jim Paredes ‘yun at hindi si Ted Failon. Hindi na nahiya ang huklubang singer na ito sa pambabato ng mga bintang na kapos naman sa ebidensiya at malayo sa katotohanan.

Pagkatapos kumalat ang kanyang sex video na pinagpistahan ng buong bayan habang napapa-yuck ay heto na naman si Jim Paredes, nanggugulo na naman, kung anu-anong paghusga na naman ang pinalulutang niya laban sa mga broadcaster at personalidad na sa kanyang isip ay hindi nila kakampi.

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ng kanyang mga kasamahang sina Danny Javier at Buboy Garovillo sa mga pinaggagagawa ni Jim Paredes?

Nakakahiya!

Leave A Reply

Your email address will not be published.