Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality may bombang pasasabugin sa ex

0 235

Huwag na sanang lumala pa ang namamagitang parunggitan ngayon ng dalawang kampo. Kani-kanyang kuda sila ngayon na parang wala nang bukas.

Hiling ng mga dati nilang kaibigan na sana’y matapos na ang mga isyung ibinabato nila sa isa’t isa dahil kapag nagpatuloy pa ay siguradong maraming kuwentong mabubuksan na ikapapahiya lang nila.

Kuwento ng isang source, “May pinanggagalingan kasi ang mga isyung inilalabas nu’ng isang kampo. Kapag isa-isang nabuksan ‘yun, e, siguradong mapapahiya ang mga taong involved.

“Galing din kasi sa loob ang mga istorya, wala namang nalalaman ang kabilang kampo du’n, kaya mapapahiya talaga ang kampong salita nang salita ngayon,” unang komento ng source.

Matagal nang kontrobersiya ito, nakapag-move-on na kung tutuusin ang mga personalidad na kasali sa kuwento, pero kung bakit nabuhay na naman uli.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Ang ganda na sana. Nakailang relasyon na ang girl, nagkaanak na, okey rin naman ang guy na busy sa trabaho niya.

“Masyado lang kasing open ang guy sa pagsasalita, kung ano ang tanong, mas marami siyang sagot. Napakadiretso niyang magsalita.

“Ayun, sumagot naman ang kabila, maraming kuda, kaya nabuhay na naman ang friction between them. Pero kung kami ang magsasabi, e, mas magandang huwag nang palalain ng kampo ng girl ang issue.

“Ang dami-dami kasing puwedeng sabihin ng male personality na galing mismo sa girl na kaaway nu’n ng mommy niya! Natural, nagsusumbong ang girl sa boyfriend niya, humahanap ng kakampi, kaya maraming kuwentong alam ang guy,” mahabang reaksiyon ng aming source.

Ayon mismo sa mga kaibigan ng male personality ay naging mabait pa nga siya nang sumambulat ang tunay na dapat managot sa responsibilidad na ipinaaako sa kanya.

“Hindi na nga siya kumibo, samantalang ‘yun ang pinakamagandang chance na magsalita siya. Wala tayong narinig mula sa kanya, di ba? Nanahimik na lang siya, pero kung tutuusin, e, ‘yun ang time na puwede niyang ipahiya ang mga taong nagbintang at nagbagsak sa kanya.

“Isarado na lang sana nila ang kuwentong ito. Nakakaawa naman ang batang involved sa istorya, wala siyang kasalanan,” napapailing pang pagtatapos ng aming impormante.

Bea, Julia giyera sa `higad’

Nabubuhay ngayon ang mga artista sa isang panahon na kahit ano ang sabihin nila ay kailangang sumailalim sila sa matinding panghihimasok ng ibang tao.

Maayos ang kanilang komento ay may masasabi ang mga bashers, bibigyan ng ibang kulay, wala nang ligtas na artista ngayon.

Ang pinakahuling biktima ay si Bea Alonzo. May binanggit lang siyang higad ay nagmarakulyo na agad ang mga tagasuporta ni Julia Barretto. Ito raw ang pinariringgang higad ni Bea.

Kinakapa lang naman ni Bea ang laman ng kahon sa isang panayam, hindi sinasadyang nagsabi siya ng marami talagang higad sa paligid ngayon, ‘yun na!

Pakikisali ng kaibigan naming propesor sa isyu, “Kapag sinabi kasing higad, of course, ang kapaniwalaan du’n, e, makati ang girl. Malandi, ganu’n!

“Natural, magkalaban ang magkabilang kampo dahil kay Gerald Anderson, kaya ang feeling ng mga fans ni Julia, e, ang idol nila ang tinutukoy na higad ni Bea!

“Wala namang binanggit na pangalan si Bea, pero nag-react agad ang kampo ni Julia, hindi pa rin daw siya nakakapag-move-on ngayon!” natatawang komento ni prop.

Talagang wala nang ligtas ang kahit sino ngayon dahil sa pinalilitaw na insinwasyon ng mga taong ginagawa na lang na libangan ngayon ang pamba-bash.

Pahabol pa ni prop, “Bakit sila nag-react sa salitang higad? Di ba dapat, sa anaconda?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.