Abante Tonite Interactive

Male personality minura ang direktor

473

NAGBUNGA na nang negatibo ang kaangasan ng isang kilala na ring male personality. Nagsama-sama na ang reklamo sa kanyang attitude ng mga mismong kasamahan niya pati ng kanilang direktor.

Nu’n pa napapabalita ang hindi kagandahang ugali ng male personality na ito. Masyado raw kasing feeling ang guwapo pa namang aktor, ayaw niyang pinapansin ang kahinaan niya sa pag-arte, dahil pakiramdam nga niya ay magaling siya.

Kuwento ng aming source, “Hanggang sa napakarami nang nagrereklamo sa attitude niya. Pati ang direktor nila, e, minura niya, kasi nga, e, hindi niya makuha-kuha ang ipinagagawa sa kanya, kaya ipinauulit sa kaya ang eksena!

“Aba, ang maangas na aktor-aktoran, nagmura pa! Sa halip na mag-sorry siya dahil sa kabanuan niya sa pag-arte, e, nagalit pa siya!

“Remember, ang male personality na ‘yan ang nang-bully nu’n sa isang male personality na sikat na sikat ngayon, talagang ipinahiya niya ‘yung taong bukod sa mabait na, e, pasensiyoso pa at edukado, kaya hindi na lang siya pinansin!

“Ano ngayon ang napala niya? Mawawalan na siya ng show, titigukin na ang programang nandu’n siya dahil hindi naman masyadong nagre-rate!

“Maaalala pa palagi ng mga nakatrabaho niya ang kaangasan niya, ang pagiging reklamador, dahil ang feeling nga niya, e, sikat na siya at alam na niya ang lahat!” inis na inis na kuwento ng aming source.

Nag-aral sa isang pangyayamaning eskuwelahan ang male personaliyt na ito, kilalang-kilala na siya nu’n pa man sa pagiging bully at maangas, kaya hindi na bago para sa mga kaklase niya ang mga nagaganap na negang-nega ngayon sa kanyang career.

Young actor imbyerna sa ina

MARUNONG magdala ng kanyang sama ng loob ang isang sikat na young male personality. Matanaw siya ng utang na loob, mapagpahalaga sa kanyang mga kapamilya, kaya hindi siya maaasahang magsalita kung meron man silang problema.

Pero kuwento ng isang source ay may gap ngayon ang sikat na male personality at ang kanyang ina. Ilang buwan na pala silang hindi masyadong nag-uusap.

Kuwento ng aming source, “Marespeto ang batang ‘yun, meron man siyang sama ng loob, e, sinasarili na lang niya. Pero ramdam sa kanya kapag meron siyang hindi nagugustuhan.

“Kahit sa karelasyon niya, e, hindi nagsasalita ang bagets, talagang ayaw niyang ipagbanduhan ang problema nila sa pamilya nila, kung nag-uusap man silang mag-ina, e, oo at hindi lang ang isinasagot niya sa mommy niya.

“Pero natatakot ang mga taong malapit sa young male personality, baka raw kasi isang araw, e, bigla siyang bumigay! Baka hindi na niya kayanin ang problema at bigla siyang magdesisyong magpakita na ng disgusto niya!” kuwento ng aming impormante.

Huwag naman sanang mangyari ‘yun.

Morissette winalis ang produ sa FB

IN-unfriend na ni Morissette Amon ang sinaktan niyang producer na si Jobert Sucaldito. Malayang nakikita-nasisilip ni Jobert ang FB account nu’n pero ngayon nga ay hindi na.

Ang concert kung saan nag-walkout si Morissette ay ginanap nu’ng November 6 sa Music Museum. Kinabukasan ay sinilip ni Jobert ang kanyang FB, nandu’n sa mga retrato si Mori na masayang-masaya kasama ang kanyang mga kaibigan, parang walang naganap na anuman nu’ng sinundang gabi.

‘Yun siguro ang dahilan kung bakit in-unfirend na niya si Jobert. Burado na rin ang apology niya sa concert producer, marami siyang binurang retrato, nilinis ni Morissette Amon ang kanyang FB account.

Okey lang ‘yun, hindi naman siya kabawasan sa buhay ng aming kasama sa trabaho, iikot pa rin naman ang mundo ni Jobert kung hindi na sila friends sa FM ni Morissette Amon.

Ginagawa na ngang katatawanan ngayon sa mga comedy bar si Morissette, kapag binanggit ang kanyang pangalan ay walkout na ang kasunod nu’n, dahil tinatagurian siyang Walkout Queen ngayon sa social media.

Please pray for our family, hiling ni Morissette sa publiko, anumang dasal ang gawin ng ating mga kababayan ay walang milagrong magaganap kung hindi naman siya gumagawa ng anumang hakbang para magkaayos sila ng kanyang pamilya.