Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality muntik mahulog sa pain

0 191

Hanggang sa mga panahong ito, kapag naaalala ng isang pamosong lalaking personalidad sa kanyang linya ang malapit na niyang pagkahulog sa bangin, ay kinikilabutan pa rin siya.
Hindi literal na bangin ang kanyang tinutukoy kundi ang pagkahulog sa pain sa kanya ng isang kilalang-kilalang female personality.
Nagulat ang male personality nang biglang tawagan siya ng babaeng personalidad. Magaling pumaraan ang female personality kapag may pinaplano itong gawin.
Kuwento ng aming source, “Nagulat siyempre si ____(pangalan ng male personality na lutang ang popularidad sa kanyang hanay), bakit siya biglang tinawagan ng girl? At nakuha talaga ng babae ang cellphone number niya!
“Sa unang pag-uusap pa lang nila, e, meron na agad sinabing ‘I like you’ ang babae! Siyempre, natuwa naman ang male personality, dahil tumututok pala ang babae sa trabaho niya!
“Hanggang sa inimbita siya ng girl na lumabas daw sila, kumain daw sila sa labas, hindi pumayag ang guy dahil maselan ang trabaho niya. Marami siyang inaasikaso para sa mga programa niya!” umpisang kuwento ng aming impormante.
Kinabukasan, nag-text naman ang female personality sa kanya, nangungumusta. Tapos na raw ba ang research ng ginagawa niya para sa kanyang show?
Patuloy ng aming impormante, “Sabi ng guy, e, hindi pa, malaking rebelasyon kasi ang lalamanin ng kanyang programa, kaya kailangan ang matinding research. Kinukulit niya palagi ang guy, pero palagi siyang nabibigo.
“Hanggang one day, sa kakulitan ng girl, e, pumayag na rin ang male personality. Nagpapasundo sa kanya ang girl, para isang car na lang daw ang gagamitin nila.
“Pero umurong ang male personality, malayo pa lang kasi siya sa place ng tinitirhan ng girl, e, nakita na niya ang mga nakahandang TV cameras, may mga reporters pa!
“Alam na niya ang plano ng female personality, mayu-use me in a sentence siya! Gagamitin siya ng babae, palalabasing nililigawan siya, kahit hindi naman at siya lang ang mapilit na magkita sila!
“Mula nu’n, hindi na siya kinausap pa ng girl. Hindi na rin siya tine-text, deadma na sa kanya ang girl na super-gamit din sa isang male politician na ayaw naman sa kanya!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.
Ha! Ha! Ha! Ha!

Unfair si Kris

Isang gabing bumibiyahe kami pauwi sa aming nayon sa Nueva Ecija ay natiyempuhan namin sa himpapawid ang isang programa na palaging humahalakhak ang umaangkin ng mikropono bilang host.
Napakapositibo niya, nakahahawa ang kanyang paghalakhak, meron pa siyang paulit-ulit na sinasabing, “Dahil d’yan, love na kita!”
Pero ang umagaw ng aming pansin ay ang madalas niyang pagsasabi sa dulo ng kanyang bawat kuwento na “Me gano’n!” Siya pala si Mr. Fu, isang kilalang FM deejay, binigyan agad namin siya ng espasyo sa aming kolum kahit hindi pa kami magkakilala nang personal.
Isang masarap na pasasalamat ang tinanggap namin mula sa kanya nang lumabas ang sinulat namin, tumatawid ang pagtanaw niya ng utang na loob, hanggang sa nagkasama na kami sa talk show ng TV5.
Sa mahabang panahon ng aming pagtatrabaho ay naging saksi kami sa kanyang positibong ugali. Mabait siyang anak at kapatid. Wala siyang bukambibig kundi ang kanyang mommy.
May sarili nang hukbo ng tagasuporta si Mr. Fu, gustung-gusto siya ng ating mga kababayan dahil gamot nga naman ang kanyang mga halakhak sa malungkot na panahon, maganda ang puso ni Jeffrey na nagtapos ng kanyang kurso sa UST.
Siya si Mr. Fu, ang hindi kilala ni Kris Aquino, ang pinatikim nito ng pangmemenos at inagawan ng self-esteem sa pagsasabing hindi raw namin ka-level ni Manay Lolit Solis.
Sabi nga ng kaibigan naming si SOS, “Grabe pa rin ang kayabangan ni Kris, grabe ang pagiging unfair niya! Magsama sila ni Trump sa pagiging discriminatory!”
Korek!!!!
(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.