Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality muntik upakan sa kasinungalingan

0 166

Hindi na kinaya ng isang kilalang male personality ang masasakit na bira sa kanya sa social media. Kahit sabihin pa niyang okey lang, kaya niyang tiisin ang galit ng bayan, ay siguradong apektado pa rin siya.

Hindi na nakapagtataka kung bakit biglang nagbago ang tono ng pananalita ngayon ng male personality, marami palang nagpayo sa kanya na harapin na ang katotohanan, para matapos na ang kanyang problema.

Kuwento ng aming source, “Alam niya naman kasi kung ano talaga ang ginawa niya. Kahit siya mismo, e, hindi naman naniniwala sa mga pagsisinungaling na ginagawa niya!

“Mga friends niya mismo ang nagsabi sa kanya na once and for all, e, mag-sorry na siya para matigil na ang mga bashing!” unang hirit ng aming source.

Marami palang nadamay sa pakikipagrelasyon niya sa bago niyang girlfriend. Mga kaibigan niya mismo, mga katrabaho niya, mga kapamilya niya.

Patuloy ng aming impormante, “Ang lakas ng loob ng male personality na ‘yun nu’ng una! Pinag-away-away niya ang mga kaibigan niya, ang mga kasama niya sa trabaho, lahat ng mga taong nakakaalam ng mga pinaggagagawa niya!

“Sinabihan niya ang ex niya na huwag paniwalaan ang mga sinasabi ng mga friends nila, pinag-aaway lang daw sila, samantalang totoo naman na meron na siyang iba!

“Pinagod pa niya ang ex niya na ayusin ang condo niya, nag-effort naman ang girl, pero ang dinadala niya pala du’n, e, ang bago niyang babae!

“Sino ngayon ang vindicated? Sino ang nag-iimbento lang ng mga kuwento para pag-awayin sila ng GF niya nu’n? Sino ang nakikialam sa buhay ng may buhay?

“Sa totoo lang, gusto na nga siyang upakan ng mga kaibigan nila ng girl dahil sa mga inimbento niyang kuwento, pinigilan lang sila ng female personality na ayaw na ayaw ng away!

“Ngayon niya sabihing wala na sila nu’ng maging sila ng girlfriend niya ngayon. Ayaw ng hiwaga ng secret room sa kanyang gym!

SM food to go Banner Ad

“Siya ang minumulto ngayon ng mga kalokohan niya, mag-sorry siya ngayon sa mga bituin!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

LJ nilayasan na ni Paolo

Kumpirnadong tapos na nga ang kuwento ng pagmamahalan nina Paolo Contis at LJ Reyes. Ayon sa source na nakakuwentuhan namin ay may kalahating taon na silang nagiging problemado.

Magaling lang silang magkubli ng mga nagaganap sa kanilang personal na buhay, hindi sila ang klaseng ipagbubuyangyangan sa publiko ang hindi nila pagkakasundo, dinadala nila ‘yun nang tahimik lang.

Walang third party, mismong manager ni Paolo ang nagdiin, ayon kay Manay Lolit Solis ay parang kaso ‘yun nang isang araw ay naramdaman na lang nina Paolo at LJ na matabang na ang timpla ng kanilang relasyon.

At ang pinakahuling kuwento, pagkatapos ng lock-in taping ni Paolo sa Sorsogon ay umuwi na siya sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi sa tirahan nila ni LJ.

Ganu’n naman palagi ang nagaganap sa paghihiwalay ng mga magkarelasyong personalidad, kungdi ang lalaki ay ang babae ang umuuwi na sa kanyang pamilya. Iniiwanan nila ang lugar kung saan nagsimula at natapos ang kanilang relasyon.

Nasa bahay na ng kanyang mga magulang sa Mandaluyong ngayon si Paolo, pero hindi pa siya nagbibigay ng anumang kumpirmasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni LJ, pareho silang nananahimik lang.

Kaya pala lalong gumaling ang aktor sa kanyang mga eksena sa “A Faraway Land” na pinagtambalan nila ni Yen Santos. Simple pero pang-award ang pagganap ni Paolo, parang gripo ang kanyang luha, tumatawid sa manonood ang kanyang emosyon.

Ang pelikulang ito na kinunan ang kabuuan sa Faroe Island sa Denmark ang isa sa pinakamagandang proyektong ginawa ni Paolo Contis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.