Abante Tonite Interactive

Male personality nakakapanakit ang baho ng hininga

1,017

tonite-no-thanks-cristy-fermin
Kambing kung tawagin ng kanyang mga katrabaho ang isang kilalang male personality. Palagi kasi siyang parang may nginunguya. Kahit natututukan na siya ng mga camera ay para pa rin siyang kambing na ngata nang ngata.

May kuwento naman pala kasi ‘yun, hindi naman pala niya ginagawa ang pag­nguya nang walang dahilan, kailangan pala niyang gawin ‘yun dahil sa kanyang kapintasan.

Kuwento ng isang source, “Kailangan talaga niyang ngumuya nang ngumuya ng gum. Hindi siya puwedeng magtrabaho nang walang bubble gum dahil siguradong hihimatayin ang katabi niya sa pagho-host.

“Grabe ang bad breath niya, nakapananakit ‘yun ng ulo, kung mahina-hina lang ang nakakatabi niya, e, masusuka pa ‘yun at talagang aatakihin ng sakit ng ulo.

“Hindi na sa bibig lang niya nanggagaling­ ang bad breath niya, sa bituka na ‘yun, may problema na sa intestines niya ang male personali­ty, may halitosis siya.

“Kaya kailangan niya talagang magbaon ng bubble gum sa line of work niya, kailangan niyang ngumuya nang ngu­muya, dahil kung hindi siya gagamit ng gum, si­guradong tihaya sa amoy ng hininga niya ang mga kasamahan niya!” umpisang kuwento ng aming source.

Pinagtatakahan ‘yun ng marami, lalo na ng mga nabibiktima niya, buung-buo naman kasi ang mga ngipin ng male personality na karaniwang nagiging dahilan ng bad breath.

“Nu’ng minsang nag-host nga siya sa isang corporate show, e, ‘yun din ang sinasabi ng mga nang-imbita sa kanya. Mabaho raw ang hininga ng male personality kahit pa ngumunguya na siya ng gum.
“Ang tanong nila, mabuti raw at nakatitiis ang wife nu’ng male personality sa napakabantot niyang hininga? Hindi raw kaya naaamoy ‘yun ng misis niya?

“Puwede naman siyang mag-consult sa doktor, may pildoras na iniinom ang may mga problema sa bad breath, ‘yun lang ang makatutulong sa kanya dahil hindi naman cure ang bubble gum sa klase ng hiningang meron siya!” napakadiing kuwento ng aming source.

Ricardo Dalisay nanilip sa halikan nina Yam-Sam

Ibang klaseng maglaro ang mga kababayan nating nakatuon na lang yata ang buong panahon nila sa computer. Du’n sa eksenang nahuli ni Jericho Rosales sina Yam Concepcion at Sam Milby na naghahalikan ay nakagawa ng kuwento ang mga kababayan na­ting walang pinagkakaabalahan.

Sa isang meme ay makikita si Jericho na nagsusumbong kay Raffy Tulfo sa Wanted Sa Radyo. Hindi na raw kinaya pa ni Echo ang pangangaliwa ng kanyang misis sa serye kaya humingi na siya ng tulong kay Kuya Raffy.

Ganu’ng-ganu’n din kasi ang mga inilalapit na problema ng mga kababayan natin sa programa ng matapang na broadcaster. Kundi ang babae ang nagrereklamo ay isang mister naman ang nagsusumbong kay Kuya Raffy.

Kani-kanyang pasabog sila ng mga ebidensiya, kung minsan ay pinaghaharap pa sila sa programa, kaya parang mga manok na nagsasa­bong ang mga nananawagan.

Sa isang lumabas na retrato naman ay kasamang nanonood ni Jericho sa paghahalikan nina Yam at Sam ang mga miyembro ng Vendetta sa Ang Probinsiyano.

Nakakaloka ‘yun, ang mga palabang miyembro ng pinamumunuan ni Ricardo Da­lisay ay nanilip muna sa paghahalikan nina Sam at Yam, pansamantala nilang nakalimutan ang pagtugis kina Edu Manzano at General Terante para lang makitsismis sila.

Reaksiyon pa ng isang kaibigan namin, “Napakalaki nga ng kinita ni Mystica sa Ang Probinsiyano! Siya ang nagturo sa mga pulis kung saan ang kuta ng mga Vendetta, kaya sa kanya mapupunta ang milyun-milyong pabuya na nakapatong sa ulo ng grupo!”

Napakagaling mag­retoke ng retrato ang mga gumagawa ng ganu’n, nababago nila ang kuwento, nadodoktor nila ang sitwasyon.

Kaya nakapagdududa na rin ang mga lumalabas na larawan ng mga artistang lalaki na nagbabatibot, ng mga babaeng artistang nakikipaghalikan sa hindi nila karelasyon, napakalayo na nga ng naaabot ng teknolohiya.