Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nakakaumay sa babae

0 133

Naging sentro ng kuwentuhan sa isang malaking umpukan ang isang pamosong male personality. Ang istorya ay umikot sa pagiging hilaw pa ng lalaking personalidad sa pakikipagrelasyon.

Ayon sa mga impormante ay magbibilang pa muna nang magbibilang ng karelasyon ang male personality bago siya gumarahe para sa isang seryosohang pagmamahalan.

Kuwento ng aming source, “Parang gustong-gusto niyang pinag-uusapan ang pakikipag-girlfriend niya. Minsan tuloy, e, hindi na nakikita na marunong din siyang umarte, kasi nga, ang palaging napag-uusapan lang tungkol sa kanya, e, ang lovelife niya!

“Sayang naman kung ‘yon lang ang palaging topic tungkol sa kanya. Bukod sa guwapo na siya, e, marunong din siyang umarte,” unang komento ng aming source.

Pinagpistahan ng publiko ang nakaraan nilang relasyon ng isang young female personality. Wala na silang itinago, lahat na lang ng nangyayari sa buhay nila ay nakalantad sa publiko, nauwi ‘yon sa hiwalayan.

Patuloy ng aming source, “Wala namang ibang tinatanong sa kanya ang mga reporters kundi ang relasyon nila ng girl. Bihirang-bihirang mabanggit kung ano ang role niya sa ginagawa niyang project.

“Hindi pa siya hinog sa pakikipagrelasyon. May girlfriend siya, inili-link din siya sa ibang babae, palaging ganu’n lang ang ikot ng publicity tungkol sa kanya.

“Marami pang bibilangin ang male personality na ‘yon, hindi pa siya talaga hinog sa seryosong pakikipagrelasyon. Parang ine-enjoy lang niya ang mga nangyayari sa buhay niya,” madiing sabi uli ng aming impormante.

Meron na namang bagong babaeng inili-link ngayon sa male personaliy, nandu’n na naman ang kanyang focus, tungkol na naman sa buhay-pag-ibig niya ang palaging nasusulat tungkol sa kanya.

“Naku, enjoy na enjoy na naman siya ngayon sa kakukuda tungkol sa girl! Nagde-date na raw sila ngayon, kesyo nagkakasundo na raw sila, hindi man lang nababanggit kung ano na ang nangyayari sa pag-aartista niya!

“Hay, naku! Palaban pa naman ang name niya, ang tapang-tapang, pero puro lovelife niya lang naman ang pinag-uusapan tungkol sa kanya! Nakakaumay na ang male personality na ‘yon, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.