Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nakakulong sa rehas ng katamaran

0 190

Maraming sinayang na oportunidad na hindi nagaganap sa lahat ng mga artista ang isang kilalang male personality. Hindi maintindihan maging ng kanyang manager kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

Maraming pangarap ang male personality na nasagot naman nang siya ang magkampeon sa isang talent search. Aktibo siya nu’ng mga unang taon ng kanyang career pero tinamad na nu’ng bandang huli.

Kuwento ng aming soruce, “Sayang na sayang siya. Ang galing-galing niya pa naman, very talented siya. Hindi lahat ng mga nangangarap, e, nabibigyan ng ganu’ng kagandang chance.

“Parang tinamad na kasi siya. Nu’ng mga unang taon ng career niya, e, halos wala na siyang pahinga sa work, napaka-active niya, wala siyang reklamo, trabaho lang siya nang trabaho,” unang sultada ng aming impormante.

Madali raw maapektuhan ng depresyon ang male personality. Kapag may nangyayari sa kanyang mga mahal sa buhay ay mas nauuna pa siyang bumabagsak.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Mahina ang loob niya, mabilis siyang bumigay sa mga problema. Kunwari, nagkaroon ng problema ang isang member ng family nila, siya agad ang sumusuko!

“Instead na siya ang magkaroon ng lakas ng loob para magpayo, siya pa ang mabilis mawalan ng tapang. Emotional siya na ewan.

“Kapag problemado ang kahit sino sa mga mahal niya sa buhay, e, wala na, apektado na ang pagkatao niya, lalo na ang career niya! Nawawalan na siya ng ganang magtrabaho, tinatanggihan niya ang mga projects na ibinibigay sa kanya.

“Kaya sayang na sayang ang career niya. Ang dami-daming may gustong makuha ang position niya, samantalang siya, e, nand’yan na nga, pero wala siyang pakialam!

“Kahit nga ang manager niya, e, parang nawawalan na rin ng gana sa kanya. Paano na siya ngayon? May pandemya, kahit pa gusto niyang magtrabaho, e, ano ang gagawin niya?

“Magpapakulong na lang ba siya sa rehas ng katamaran? Ng kawalan ng drive sa career niya?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Anjo lumiit ang mundo sa Bulaga

Magiging masakit talaga para kay Anjo Yllana ang pagpapaalam sa Eat… Bulaga. Dalawang dekada siyang naging bahagi ng pinakamatagal na noontime show sa balat ng Pilpinas, araw-araw ‘yun, Linggo lang sila hindi nagkikita-kita ng kanyang mga kasama.

Napakalalim na ng kanilang samahan, sa noontime show na siya nagbinata, nag-asawa at naging pulitiko.

Nagbitiw na sa programa si Anjo Yllana, ang tanging sinabi niya ay mabigat na desisyon ang kanyang ginawa, pero wala naman siyang nabanggit na dahilan kung bakit.

Nu’ng una ay kasama si Anjo sa main studio, marami silang nagho-host, pinakabida siyempre ang Tito, Vic and Joey.

Pero nitong mga huling panahon ay nasa labas na siya ng studio, inilipat siya sa Sugod-Bahay segment, na ang lutang na lutang naman ay sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Balleteros (JoWaPao).

Naramdaman kaya ng aktor-pulitiko na paliit na nang paliit ang kanyang mundo sa noontime show? Dati’y malaki ang kanyang partisipasyon, hanggang sa isang segment na lang ang kanyang ginagawa, ‘yun kaya ang dahilan ng kanyang pagbibitiw?

Para sa ibang kababayan natin ay hindi masamang bumitiw lalo na kung hindi na siya masaya. Lalo na ngayon, walang Sugod-Bahay ang pangtanghaling programa, nasa studio lang ang mga hosts at magkakalayo pa.

Pero nang lumutang ang balitang may gagawin pala silang programa ni Kitkat na katapat pa ng Eat… Bulaga ay nagbago ang timplada ng reaksiyon ng ating mga kababayan.

Sana raw ay nagpalipas muna nang mahaba-habang panahon si Anjo bago siya nagdesisyong tumanggap ng programang katapat pa mismo ng show na kanyang pinanggalingan.

Respeto at delicadeza ang tawag du’n. Punto naman ng kaibigan naming propesor, “Sinumang hindi kalabisan ay hindi kawalan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.