Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nakalimot sa mga inutangan

0 97

Kalat-kalat pa rin pala ang obligasyong dapat panagutan ng isang pamosong male personality na nagkakaedad na. Ni ha, ni ho ay walang naririnig mula sa kanya ang mga taong binulabog niya nu’n para utangan.

Nagkaroon na ng pagkakataon para makapagbayad siya, pero ni hindi man lang niya ginawa, wala na nga siguro siyang planong magbayad pa.

Kuwento ng aming source, “Walang-wala siya nu’n. Wala siyang trabaho, wala siyang pagkukunan ng kabuhayan nila ng mag-ina niya, kaya lahat ng makausap niya, e, talagang hinihingan niya ng tulong.

“Napakarami niyang inabala, tawag siya nang tawag kahit hindi pa sumisikat ang araw, ganu’n siya katindi nu’ng napakatindi ng pangangailangan niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Biglang nagbago ang ikot ng mundo ng nagkakaedad nang male personality, nakakita siya ng mga taong puwede niyang gawing alkansiya, gumanda ang takbo ng kabuhayan showcase niya.

Patuloy ng aming source, “Chance na sana niya ‘yon para siya makapagbayad, pero wala pa rin siyang ginawa! Ni hindi nga niya makumusta man lang ang mga taong pinagkakautangan niya!

“Napakalaki na ng kinikita niya, pero waley pa rin, kahit magbawas man lang sana siya sa utang niya, pero wala siyang ginawa! Napakadali niyang nagkaroon ng amnesia!

“Ang bilis-bilis niyang nakalimot! Nakalimutan na niya na kahit hatinggabi, e, tumatawag siya sa mga puwede niyang mautangan, wala siyang pinipiling oras!” inis na kuwento pa ng aming source.

Nabalitaan ng kanyang mga pinagkakautangan na may bisyong pinagkakaabalahan ngayon ang nagkakaedad nang male personality. Madalas siyang makitang nagbababad sa isang lugar na maingay at mausok.

Sabi pa ng aming impormante, “Tambay pala siya ng casino, gabi-gabi siyang nakikita du’n. nananalo siya kung minsan, pero mas madalas siyang natatalo!

“Sa halip na magbayad siya ng mga utang niya, e, isinusugal pa niya ang datung, talagang wala na siyang planong panagutan ang mga obligasyones niya!

“Paano na kapag naubos ang kadatungan niya? Tatawag na naman siya nang hatinggabi sa mga puwede niyang utangan? Hindi na siya makauulit, sa totoo lang, markado na siya!

“May kapangalan siyang yosi, pero promise, hindi siya nagsisigarilyo! Nananabako siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.