Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality namboboso ng kasambahay

0 180

Bata pa lang pala ang isang pamosong male personality ay alam na agad ng kanyang pamilya at mga kaibigan ng kanyang mga magulang na magbibilang siya ng babae kapag natuto na siyang manligaw.

​May mga senyales nang nakikita ang kanyang pamilya na ganu’n ang mangyayari, bata pa lang kasi ang male personality ay nakikita na ng mga ito ang palatandaan, magiging babaero siya.

​Unang kuwento ng aming impormante, “Sa bahay unang nagaganap ang lahat ng mga senyales. Hindi sa labas nag-uumpisa ang mga bagets. Sa sariling tahanan mismo nila!

​“Du’n pa lang, alam na ng mga kapamilya ng lalaking pesonalidad kung ano ang kalalabasan niya, may mga resibo nang hawak ang family niya at ang mga kaibigan ng angkan nila!” pabitin na kuwento ng aming source.

​Heto ang paliwanag ng source. Bahagya pa lang na umaangat sa lupa ang male personality ay may kakaiba na siyang ginagawa. Hindi ‘yon normal sa mga kabataang kaedad niya.

​Patotoo ng aming impormante, “Imagine, ABCD pa lang ang pinag-aaralan niya, pero may kakaiba na siyang tinututukan! Lalo nu’ng maging teenager na siya, napakarami na niyang alam bantayan!

​“Kabisado niya kung anong oras naliligo ang mga kasambahay nila, hindi siya puwedeng maligaw sa oras, talagang alam na alam niya ‘yon!

​“Meron kasi siyang ginagawa kapag naliligo na ang mga maid-of-cotton nila, naninilip siya, pinaghirapan niyang gawin ang paraan para masilipan niya ang mga naliligo! Palagi siyang nagtatagumpay, walang naitatago sa kanya ang mga kasambahay!

​“Pero one day, e, nabuking siya ng father niya, abalang-abala siya sa pagbabatibot, nakasilip siya sa pinaghirapan niyang gawing butas habang nagmimilagro siya.

​“Ginulat siya ng tatay niya, isang mahabang hooooyyyy lang ang narinig niya at nawindang na siya! Tumakbo siya palayo na nasa tuhod ang shorts niya!

​“Nu’n pa lang, alam na ng family niya na magbibilang siya ng babae na nagkatotoo nga! Nagkaroon sila ng anak ng isang female personality na napakaganda!

Nagkaanak din sila ng anak ng isang non-showbiz girl na nakarelasyon niya. Lapitin siya ng mga kababaihan, guwapo naman kasi siya, matangkad at may kabaitan sa mga girls.

​“Naku, nagkakaedad na siya ngayon, pero guwapo pa rin ang male personality! Hindi joke ‘yon, ha? Hindi ‘yon joke!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Ai-Ai ‘di nagkamali sa pinili

Kakaiba ang pagkaaliw ng ating mga kababayan kapag umaakyat na sa entablado de kampanya ng kanyang partido si Secretary Harry Roque. Ibang-iba ang kanyang dating.

​Palagi siyang may bagong ipinakikita, hindi siya nawawalan ng pasabog, kaya naman nakukuha niya ang atensiyon ng publiko. Kinaaaliwan si Secretary Harry Roque.

​Nandu’n sumayaw siya kasama ang mga tunay na dancers na palagi niyang kasama sa mga kampanya, para siyang bolang patalbug-talbog sa entablado sa kasasayaw, hindi siya kinaiinisan dahil sa kanyang katabaan ay magaan pala ang kanyang katawan.

​Pero kapag nagtalumpati na si Secretary Roque ay ganu’n ding atensiyon ng audience ang nakukuha niya. May saysay kasi ang kanyang mga sinasabi, kabisado niya ang batas, marami siyang pangarap para sa ating bayan.

​Lumantad na si Ai-Ai delas Alas bilang tagasuporta ng kanilang partido. Sabi ni Secretary Roque sa Comedy Concert Queen, “Ai-Ai, hindi ka nagkamali ng pinili mong samahan. Hindi kayo mawawalan ng prangkisa!”

​Di ba naman? Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang kumakandidatong senador, parang gusto niyang sabihin na ang mga umaakyat sa entablado ng kanilang kalabang partido ay napupuwersa lang, dahil sa pag-asang maibabalik ang kanilang prangkisa kapag ang minamanok ng mga ito ang nanalo.

​Para-paraan lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.