Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nangangamoy kasal sa dyowang aktres

0 662

Ibang-iba ang kaligayahang nakikita ng kanyang mga kaibigan sa isang kilalang male personality sa piling ng kanyang girlfriend na aktres.

Ito ang relasyon na hinuhulaan ng mga kasirkulo nila na huwag lang mausog ay siguradong mauuwi sa altar. Parehong galing sa pamilya ng mga artista ang young couple.

Maraming beses nang pumasok sa pakikipagrelasyon ang guwapong male personality pero hindi siya nagtagumpay. Wala sa kanya ang problema, kundi sa panig ng mga babaeng naugnay sa kanya, kilalang-kilala ang aktor sa pagiging pasensiyoso.

Kuwento ng isang source, “Ngayon pa lang namin siya nakitang ganyan kasaya. ‘Yung mula sa umaga, alam mong sobrang inspired siya. Maganda na kasi ang takbo ng career niya, e, nakatagpo pa siya ng babaeng marunong magdala ng relasyon,” buwena-manong chika ng aming impormante.

Para sa marami nilang kasamahan ay masuwerte ang girlfriend ng male personality, stick to one kasi ang aktor, hindi stick to one barangay.

Balik-kuwento ng aming source, “Mabait na ang guy, e, very sincere pa siyang magmahal. Wala siyang issue tungkol sa pagsasabay ng karelasyon, one woman guy siya.

“Very understanding, mapagmahal sa family niya, low key kahit meron na rin naman siyang maipagmamalaki, wala nang hahanapin pa sa kanya ang karelasyon niya.

“Pero ang pagiging mabait niyang ‘yun, e, pinakawalan pa ng isang ex niyang actress na sobrang selfish. Selosa ang female personality, hinawakan niya sa leeg ang guy. Kahit mismong family niya na, e, pinagseselosan pa ng girl!

‘Yung isa naman, e, hindi siya naipaglaban. Okey rin sana ang partnership nila, e, pero natakot ang girl nu’ng malaman ng pamilya niya na meron na pala siyang boyfriend.

“Kaya swak na swak sila ng girlfriend niya ngayon. Nagbibigayan sila, parehong maganda ang takbo ng career nila, naiintindihan nila ang trabaho ng bawat isa.

SM food to go Banner Ad

“Alam ng kilalang male personality ang ginagawa niya, maayos ang relasyon nila ng female personality at hiling niya na sana, ito na nga ang relasyong sa kasalan na mauuwi.

“Sabi nga ng isang bestfriend ng aktor, ‘Paninindigan niya na ang relasyong ito, he will not cross the river if he can’t swim the tide.’ Ang ganda, di ba naman?” masayang pagtatapos ng aming source.

Willie walang takot na piloto ng mga anak, apo

Buung-buo na ang tiwala ni Willie Revillame sa pagpapalipad ng chopper, dalawang helicopter meron ang sikat na TV host, isang R44 Robinson at isang kabibili lang niyang bagong Robinson R66 Turbine.

Wala na nga sa mga high-end na sasakyang panglupa ang atensiyon ngayon ni Willie, mas tumaas na, nakaiiwas na siya sa matinding traffic kapag nagpupunta siya sa kanyang mga property sa Mindoro at Tagaytay ay masaya pa siya sa kanyang bagong pinagkakaabalahan.

Kailan lang ay kasama niyang nagpunta sa Tagaytay ang kanyang anak na si Juamee at ang mag-inang Meryl Soriano at Elijah, tiwalang-tiwala na nga sa kanyang pagiging piloto si Willie dahil naisasakay niya na ang mga taong pinakamalapit sa kanyang puso.

“Siyempre, nakahanda na akong pagserbisyuhan ang mga anak at apo ko ngayon. Kung hindi pa ako ready, e, hindi ko sila isasakay, may takot pa siyempre ako, di ba?

“Pero ngayong lisensiyado na ako, e, malakas na ang loob ko, kapag may free time ako, kasama ko silang namamasyal. Enjoy sila,” kuwento ng host ng “Tutok To Win.”

Sa panahon ng pandemya ay isa siya sa mga personalidad na hindi problemado sa kabuhayan, nakahanda siya sa mga ganitong pagsubok, marunong siyang magpahalaga sa kanyang kinikita.

Pero hindi niya sinasarili ang mga biyaya, tumutulong siya sa mga nangangailangan, kaya naman parang tubig na umaagos ang regalo sa kanya ng kapalaran.

Leave A Reply

Your email address will not be published.