Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nangungulit sa bugaw

0 234

Panay-panay pala ang tawag ngayon ng isang kilalang male personality sa isang Boogie Wonderland.

Matindi ang pangangailangan ng aktor. Nawalan kasi siya ng trabaho at hindi niya napaghandaan ang ganitong senaryo.

Baligtad na nga ang panahon. Ayon sa aming source ay ang matchmaker ang dating tumatawag sa male personality. Ito ang nagtatanong kung okey ba para sa kanya ang panandaliang-aliw na ang kapalit ay malaking halaga?

Kuwento ng aming source, “Nagkabaligtad na ang sitwasyon. Dati, ‘yung Boogie Wonderland ang tawag nang tawag sa male personality. Mabenta kasi siya sa merkado ng mga kabekihan.

“Pero mailap ang male personality, pinahihirapan niya ang matchmaker, nagsabi pa siya na kung gagawin niya ang ganu’n, towering high ang asking fee niya.

“How much naman, tanong ng matchmaker. Nagsabi ang male personality. Malapit nang mahulog sa kinauupuan niya ang Boogie Wonderland nu’ng marinig niya ang presyo.

“Ang sabi sa kanya ng matchmaker, ‘Naku, hindi ka naman nila bibilhin, sandaling panahon ka lang nilang kailangan.’ Hindi natuloy ang booking,” unang kuwento ng aming impormante.

Pagkatapos nang maraming buwan ay heto na. Baligtad na ang senaryo. Ang male personality na ang tawag nang tawag sa Boogie Wonderland.

Patuloy ng aming source, “Siya na ngayon ang nangangailangan. Siya na ang tumatawag sa matchmaker. Matindi ang pangangailangan niya ngayon dahil wala na siyang regular work. Paubos na ang naiipon niya.

“Wala namang magawa ang Boogie Wonderland dahil takot na takot ang mayayamang becki na makipagkita kahit kanino ngayon bukod sa kanilang mga pamilya.

“Nagbagsak-presyo na ang male personality, ang dating napakataas niyang hinihinging TF, e, kaltas na ang kalahati ngayon. Pero waley pa rin, bagsak na bagsak din ang industriya ng mga Boogie Wonderland dahil sa sobrang takot ng mga parukyano nila na mahawa ng virus!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sino’ng maysabi na mga jeepney drivers lang ang nagdarahop ngayon? Tuliro na ang bruskong male personality kung ano ang gagawin niya ngayon.

“Super-macho man siya, guwapo man siya, kung wala namang takers, e, paano na?” pagtatapos ng aming source.

Raffy, Willie nakaltasan

Siguro nga, sa nakaraang buhay nina Raffy Tulfo at Willie Revillame ay magkapatid sila, isang sinapupunan lang ang kanilang pinagmulan.

Parehong walang pintuan ang kanilang puso na kailangan pang katukin nang matagal bago magbukas. Kapag nararamdaman nilang sinsero at matinding tulong ang kailangan ng lumalapit sa kanilang dalawa ay agad nang nagbubukas ang kanilang mga palad.

Si Willie ay nagbigay nang limang milyong pisong donasyon sa mga jeepney drivers na hindi makabiyahe. Kasama niya ang mga tagapamuno ng LTFRB sa pamamahagi ng tulong.

Si Raffy Tulfo naman ay nagbigay ng ayuda kay John Regala sa pagpapagamot ng aktor, kalahating milyong piso ang ibinigay ng kanyang pamilya kay Donita Nose na tinamaan ng COVID-19, nakalabas na sa ospital ang stand-up comedian at handa na uling magtrabaho.

Hindi barya-barya lang ang nakakaltas sa mabiyayang bulsa nina Kuya Raffy at Willie, napakalaking kabuhayan na nu’n ngayong panahon ng pandemya, pero hindi sila nagdadalawang-isip na tumulong.

Sa proseso ng regression, kung sasailalim ang dalawang matulunging personalidad na ito, ay baka nga mapatunayan na magkapatid sila sa nakaraang nilang buhay.

Hindi sila mga pulitiko, wala silang sinumpaang tungkulin para sa kanilang mga nasasakupan, pero ang mga kabutihang ginagawa nila para sa kanilang kapwa ay sobra-sobra at daig pa nila ang may upuan sa gobyerno.

Mabuhay ang mga personalidad na tulad nina Raffy Tulfo at Willie Revillame!

Leave A Reply

Your email address will not be published.