Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nanulot ng lalaki

0 194

Hindi mapakali ang magkakatropang becki dahil sa naging pahayag ng isang male personality na sigurado siya sa kanyang gender kaya hindi siya natatakot gumanap sa mga gay roles.

“Ganu’n ang palaging sagot ng male personality kapag natatanong siya tungkol sa madalas niyang pagganap na bading sa pelikula at telebisyon.

Kuwento ng aming source, “Kung minsan lang sinabi ‘yun ng male personality, e, hindi na lang sana ‘yon papansinin ng magkakatropang becki! Pass na lang sana ‘yon!

“Kaso, tuwing mauusisa siya sa pagganap ng gay roles, e, ganu’n ang ikinukuda niya! Wala raw siyang ikinatatakot, secure na secure daw siya sa gender niya!

“Ang mga natatakot lang daw tumanggap ng gay roles, e, ang mga lalaking may itinatago sa kloseta nila! Natural, nainis na ang mga becki? Teka lang naman, sabi nila!” unang sultada ng aming impormante.

Hindi pa man pala kasi nag-aartista ang male personality ay kilalang-kilala na ng tropa. Wala kunong maitatago sa kanila ang bumibida nang male personality ngayon.

Patuloy ng aming source, “Aba, e, teka lang naman muna? E, bakit ba sila nag-away ng high school friend niyang becki rin? Ano ba ang naging dahilan ng away nila?

“Basta trip lang ba nilang mag-away, ganu’n, kaya nagsaulian na sila ng kandila ng pagkakaibigan nila? Ineng, baka naman gusto mong balikan ang nakaraan?

“Sino ba kasi ang nanulot kanino? Sino ba ang gumetlak sa mhin na karelasyon na ng bestfriend niya? Naku, ha? Baka naman tinamaan na siya ng amnesia!

“Tuwing ganu’n ang sinasabi niya, e, nalulukring ang komunidad ng mga becki na dating kasama-sama ng male personality! Sure na sure pala siya sa gender niya, ha?

“Huwag kami! Kung kaya niyang paniwalain ang ibang tao, huwag kami! Puwede ba? Kilalang-kilala namin siya, hindi siya sure sa gender niya, gusto lang niyang mag-artista at kumita!

“Magtigil siya sa kakukuda at baka ang popularity niya ngayon, e, mawalang parang bula!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ha! Ha! Ha! Ha!

Pops naging dyowa si Piolo

Ngayon na lang literal na umamin si Pops Fernandez na naging mag-boyfriend sila ni Piolo Pascual. Dekada muna ang pinalampas ni Pipay bago niya ‘yon inamin.

Bago sila naging magkarelasyon ni Piolo ay si Carmina Villarroel muna ang palaging nakaka-date nu’n ni Papa P. Naging close sila ni Piolo sa kanilang musical variety show sa ABS-CBN tuwing Sunday.

Pero hindi sila nagtagal, agaran ding natapos ang sinasabing relasyon ni Pops, alam na alam namin ang dahilan kung bakit pero pang-blind item na lang ‘yon! Ha! Ha! Ha! Ha!

Alam din siyempre nina Piolo at Pops kung bakit hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Pagkatapos ng show nila nu’n ay sa van ni Pops sumasakay si Piolo.

Nasa harapan ng van ang PA ni Pops, katabi ng kanyang driver, sila naman ni Piolo ang magkatabi sa unang hilera ng upuan sa likuran ng van.

Kuwentuhan lang sila nang kuwentuhan. Tawanan sila nang tawanan. Ayon sa aming source ay hindi naman sila malambing sa isa’t isa.

May isang karakter na pumasok sa eksena. Kilala ang nasabing male personality. Kaibigan din nilang dalawa.

Pagkatapos nu’n ay wala nang sumunod pang eksena tungkol sa relasyon nina Piolo at Pops. Hiwalay na raw sila.

Haaaayyyy!

Leave A Reply

Your email address will not be published.