Abante Tonite Interactive

Male personality nasa loob ang kulo

1,062

tonite-no-thanks-cristy-ferminHanggang ngayon ay hindi pa rin malimut-limutan ng mga kababayan nating naninirahan­ sa isang napakalamig na bansa ang isang sikat na male personality. Tatahi-tahimik lang siya pero bully at pilosopo.

Kuwento ng aming source, “Kapag may nagpapa-picture sa kanya, e, pinaglalaruan niya. Kunwari, may lumapit sa kanya, ‘Puwede bang magpa-picture sa iyo?’

“Agad na niyang gagayahin ang pagsasa­lita ng fan, ‘Puwede bang magpa-picture sa iyo?’ Pero may kasama nang pambu-bully ‘yun, inginingiwi-ngiwi niya ang bibig niya na nang-iinis!

“Ganu’n siya palagi, ginagaya-gaya niya ang mga sinasabi ng mga faney, lalo na ang mga girls. Napakahilig niyang mam-bully, samantalang hindi naman ‘yun ang image niya, hindi naman siya comedian, di ba?

“Minsan, e, may isang fan na lumapit sa kanya, ‘Can I have a picture with you?’ Ginaya na naman niya ‘yun, with matching pang-iinis, kaya napapahiya ang mga nagpaparetrato sa kanya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Hindi rin malilimutan ng mga Pinoy sa bansang ‘yun ang kakaiba niyang ginagawa kapag may gustong magpa-picture sa kanya. Hindi lang siya sumisimangot, may iba pa siyang ginagawa, kaya maraming kababayan natin du’n ang umayaw na sa kanya.

“Kinakamot niya ang ulo niya na para bang inis na inis siya? Nag-arti-artista siya, kaya pasensiya siya! Kinakamot niya ang ulo niya, naiinis siya kapag ganu’n! Simang din ang male personality na ‘yun, e, dahil palagi siyang sumisimangot!

“Kaya wala nang dating sa mga kababayan natin du’n ang paandar niya na kunwari, e, seryoso siya, na kunwari, e, very generous siya sa pagpapa-picture ta­king dahil binu-bully niya ang mga fans!

“Nasa loob ang kulo ng sikat na male personality na ‘yun! Tanungan nga sila nang tanu­ngan kung bakit wala pa siyang asawa hanggang ngayon, e, sobra-sobra na nga siya sa marrying age! Aray!” pagtatapos ng aming source.

Jake pinagduldulan si Paulo

Sinoplak ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang taklesang aktor na si Jake Cuenca.

Hindi nagustuhan ng mga tagasuporta ng KathNiel ang patagilid na komento ng aktor na ang dapat daw panoorin ng ating mga kababayan ay ang pelikulang Goyo, Ang Batang Heneral kesa sa mga romcom movies.

Kasaysayan daw kasi ang tumbok ng pelikula, meron daw tayong matututuhan, kaya agarang nagtawid ng sama ng loob ang mga fans nina DJ at Kath.

Tama naman ang kanilang punto na puwedeng papurihan ni Jake Cuenca ang pelikulang pinagbibidahan ni Paulo Avelino hanggang gusto niya nang wala siyang tinatapakang ibang proyekto.

Maluwag ang maghapon at magdamag para papurihan niya ang Goyo, pero huwag na sanang idamay pa ang The Hows Of Us, na nalalapit na ang kinikita ngayon sa kalahating bil­yong piso.

Nagpaliwanag si Jake sa kanyang post, pero hindi pa rin ‘yun binili ng grupo ng KathNiel, kaya wala na siyang nagawa kundi ang manghingi ng pasensiya at tanggapin ang kanyang pagkakamali.

‘Yun ang mahirap sa pagpo-post, lalo na’t mga kilalang personalidad pa naman ang sangkot, may malisya man o wala sa kanilang sinasabi ay puwedeng bigyan ‘yun ng kakaibang interpretasyon at pakahulugan.

Saka hindi ipinagdu­duldulan sa manonood ang isang pelikula para panoorin, perang­ pinaghirapan ng mga kababayan natin ang kanilang ipinambabayad sa sinehan, kaya sila ang hari ng kanilang bulsa.

Panoorin nila ang pelikulang gusto nila, lalo na’t pinag-uusapan ‘yun ng buong bayan sa ganda, kung saan sila masaya ay du’n sila at hindi sa pelikulang ayaw nilang panoorin.