Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nawalan ng gana sa singer

0 173

Naging crush nu’n ng isang guwapong male personality ang isang female singer. Malakas ang dating ng medyo nagkakaedad nang babaeng singer sa guwapong aktor.

Gumawa siya ng paraan para maimbita sa dinner ang female singer, nagkaroon naman ng magandang resulta ang kanyang imbitasyon, nagkita sila sa isang kilalang restaurant.

Kuwento ng aming source, “Ang saya-saya ng guwapong male personality nu’ng pumayag ang female singer sa invitation niya. Sa wakas, makakaharap na niya ang babaeng pinanonood lang niya sa TV.

“Nagkuwentuhan sila, tawanan sila nang tawanan, ang dami-daming inikutan ng kanilang kuwentuhan. Parang ayaw nang matapos ng guwapong male personality ang gabing ‘yun,” umpisang kuwento ng aming impormante.

May kung anong nahulog sa bulsa ng male personality, hinanap niya ‘yun sa ilalim ng mesa, may natuklasan ang bagets actor.

Balik-kuwento ng aming source, “Nakita ng guy ang paa ng girl. Napansin niya ang mga daliri sa paa ng female singer. E, fetish pa naman ng bagets ang daliri sa kamay at paa.

“Biglang nagbago ang timpla ng bagets actor, parang gusto na niyang umuwi, parang gusto na niyang pabilisin ang takbo ng oras! Parang gusto na niyang umuwi!

“Ang dahilan? Parang sampalok daw ang mga daliri sa paa ng female singer na may mga bukol-bukol! E, open pa naman siya sa pagsasabi na ayaw na ayaw niya sa ganu’n!

“Nakakalokah! Dahil lang sa hindi kagandahang mga daliri sa paa ng female singer, e, tinabangan na ang male personality! Hindi na niya crush ang girl, first and last na nilang pagkikita ‘yun, naiisip niya!

“Maya-maya, e, sinabihan na niya ang female singer, ‘Thanks for coming, ha? But you still have a show tomorrow, you might need enough rest.’

“Nagulat siyempre ang girl, anyare, bakit nagyaya na agad umuwi ag bagets actor? Ang sarap-sarap pa naman ng mga kuwentuhan nila.

“Crush lang naman kasi ‘yun, hindi pa naman love, kaya madaling mawalan ng gana ang guwapong bagets actor. Sisihin natin ang mga daliri sa paa ng female singer na parang sampalok na bukol-bukol!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ang pogi-pogi ng male personality. Parang gusto na niyang mag-pop-out nang makita ang mga daliri sa paa ng pamosong female singer na hiwalay sa mister.

Ellen iwas na sa alak
 

Tahimik lang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna pero ngayon pa lang ay inaasikaso na nila ang mga detalye para sa kanilang kasal. Simple lang pero elegante ang gusto ni Derek na sinasang-ayunan naman ng seksing aktres.

Kung pabolosong kasalan ang hinahanap ng iba ay kayang-kaya namang ibigay ‘yun ni Derek kay Ellen, pero pareho lang silang mga simpleng tao, kaya ang pinaghahandaan nila ay isang payak na pagharap lang sa altar.

Bagay na bagay ang dalawa, nagkakasundo ang takbo ng kanilang isip, napakarami rin nilang nadiskubre sa isa’t isa habang tumatagal ang kanilang relasyon.

Sabi ni Derek nu’ng minsan kaming magkuwentuhan, “’Yan na siya. Hindi uso kay Ellen ang best foot forward. Kung ano ang nakikita natin, wala na siyang ibang ilalabas pa.

“She’s so simple, she’s so easy to please. We know naman na spoiled siyang lumaki, she has everything, pero mas mapapansin mo sa kanya ang simplicity niya,” sabi ng aktor.

Wala silang pinag-aawayan, wala silang hindi pinagkakasunduan, compatible sila sa halos lahat ng bagay. Napansin din ng mga kaibigan ni Derek na hindi na mahilig uminom si Ellen.

Kasabihang Pinoy ay bawal isinusukat ang wedding gown, maaga raw kasing maghihiwalay ang magkarelasyon kapag ganu’n, pero mukhang inanod na nga ng baha ang ganu’ng kapaniwalaan.

Nu’ng isang araw ay isinukat na ni Ellen ang kanyang wedding gown, ngayon pa lang ay parang nakikinita na namin kung gaano siya kagandang bride, at kung gaano rin naman kakisig ang groom sa araw ng kanilang kasal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.