Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nega sa mga katrabaho

0 991

Bakit kaya puro hindi kagandahang komento ang maririnig tungkol sa isang popular na male personality mula sa kanyang mga katrabaho sa likod at harap ng mga camera?

Mahirap ang ganu’n, hindi na bale sanang nagmumula sa ibang tao ang mga negatibong komento, hindi galing sa mismong mga nakakatrabaho ng isang artista.

Kuwento ng isang source, “Maraming hindi nagkakagusto kay ____(pangalan ng kilalang male personality). Feeling ng marami, e, umakyat na sa ulo niya ang mga papuri sa kanya bilang magaling na artista.

“Mahirap daw siyang katrabaho, nakakailang, dahil palaging kumokontra siya sa gustong mangyari ng production. Pakiramdam niya kasi, e, alam na alam na niya ang lahat,” unang hirit ng aming impormante.

May kuwento ring lumabas na may kasupladuhan ang male personality na ito. Namasyal silang mag-anak, natural lang na mapansin siya ng mga kababayan natin, pero matabang ang kanyang pagtrato sa mga ito.

Patuloy ng aming source, “Maraming ganu’ng kuwento tungkol sa kanya, suplado nga raw ang male personality, malayung-malayo sa image na nakikita sa kanya sa TV.

“Tinatawag na ang name niya, dahil kilala nga siya, pero wala siyang pakialam. Deadma lang siya, kaya madalas siyang masabihang suplado,” patotoo ng aming source.

At bumibida rin ang istorya na kapag may nagtatangkang pumasok sa network na pinagtatrabahuhan niya na kapareho niya ng atake ay agad na siyang humaharang.

Sabi uli ng aming impormante, “Pamilyar ba kayo sa larong patintero? Ayun, para siyang patutok, ‘yung umiikot sa lahat ng lugar, agad nang nakaharang kapag may nababalitaan siyang gustong maka-enter the dragon sa istasyon!

“Nangyari na ‘yun dati sa isang magkaibigang malapit na sanang makalipat du’n sa network, pero ang balitang humarang, e, itong male personality na ito na super-insecure!

“Nai-insecure pa siya nang lagay na ‘yun, e, siya na nga lahat? Kanya na ang script, kanya rin ang blocking, siya pa ang bida sa show! Ano pa ba naman ang kailangan niya?

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi nga natatawa sa mga ginagawa niya oncam ang mga taong nakakakilala sa kanya, sa halip, nabubuwisit sa kanya!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

JuRald ginaya sina Claudine, Mark

Harinawang magkaroon ng saysay ang mga ginagawang effort ni Attorney Ferdie Topacio para kay Claudine Barretto. Sana nga ay maging maayos at makinis ang pagbubuo nila ng proyektong “Deception” na pagtatambalan nina Claudine at Mark Anthony Fernandez.

Minsan na kasing nauntong ang ulo ng magaling na abogado sa pagtulong sa aktres, huwag na sana uling mangyari ‘yun, sayang na sayang naman ang pagod ni Attorney Topacio.

Bahagi ng isang batambatang pag-iibigan sina Mark at Claudine. Mga bagets pa sila nu’ng magkarelasyon ang dalawa. Aysus, napakagulo ng kanilang relasyon, pampelikula ang datingan.

Copycat na lang ang pag-uusap nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa veranda ng isang hotel, sina Mark at Claudine ang original sa ganu’ng eksena, sa kahabaan ng isang kalye sa Greenhills palaging nagaganap ang kanilang awayan.

Nakatira sa isang condo si Claudine, kapag nag-aaway sila ni Mark ay tumatapat du’n ang aktor na sigaw nang sigaw, naghihintuan ang mga sasakyan sa panonood sa kanilang mga tungayawan.

Nagsasagutan sila nang malayuan, mainit ang kanilang laban, ‘yun ang mga kuwento ng kanilang bubot pang pagmamahalan.

Pagtatawanan na lang siyempre nila ngayon ang nakaraan dahil napakarami nang naganap sa kani-kanilang buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.