Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality niladlad ang kabadingan

0 97

Pinagtatawanan ang pagpasok sa politika ng isang male personality na ipinaglaladlaran ang kanyang kabadingan. Para siyang ihihilera sa listahan ng mga nuisance candidate dahil sa kanyang ginawa.

“Eksenadora” ang tawag sa kanya, mahilig daw kasi talagang umeksena ang becking personalidad, kaya siguro niya piniling kumandidatong senador.

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka ang hitad na ‘yun! Ginagawa niyang laro ang politics. Alam niya namang hindi siya deserving, pero sa kagustuhan niyang mapag-usapan siya, e, nakihalo na rin siya sa mga kakandidato!

“Ano ba naman ang gusto niyang patunayan? Na porke nakapag-produce na siya ng movie, e, may karapatan na siyang tumakbong senador?” nakataas ang kilay na simula ng aming impormante.

Ikinagulat nga ng buong showbiz ang pagsusumite ng COC ng male personality na walang kapikit-pikit ng mga matang umaamin tungkol sa kanyang gender.

Kuwento uli ng aming source, “Talagang nalokah ang buong showbiz sa pagkandidato niyang senador. Bina-bash siya ngayon, ano raw kaya ang akala niya, makalulusot siya sa Comelec?

“Iba rin ang hitad na ito, e! Napakataas ang pangarap niya! Hindi man lang siya nagsimula sa ibaba, senador agad ang gusto niyang kuning position!

“Naku, sa totoo lang, gumawa lang ng eksena ang hitad na ‘yun, dati na naman kasi siyang eksenadora! Kung nasaan ang aksiyon, nandu’n din siya!” napapailing pang komento uli ng aming source.

Hindi na kailangan pang bigyan ng clue ng aming source kung sino ang male personality na ito na napakahilig umeksena.

Vilma tutok na sa showbiz

Madalas nating marinig ang komento na mabuti pa ang matakaw at may kabusugan. Humihinto na sila kapag dumidighay. Pero ibang-iba raw ang mga politiko.

Kapag isinawsaw na nila ang isang paa sa mundo ng politika ay kasunod na ang isa pa, ginagawa nang negosyo ang kanilang posisyon, ayaw nang bumaklas.

Pero may isang Vilma Santos-Recto na nagpatotoo na hindi lahat ng mga lingkod-bayan ay walang kabusugan. Alam ng Star For All Seasons kung kailan siya papasok sa pintuan ng politika at kung kailan siya lalabas.

Hindi siya tatakbo sa darating na halalan sa anumang posisyon pangnasyonal man o panglokal. Bumaklas na siya sa politika. May gusto na niyang maging botante kesa sa siya ang aamot ng boto.

Nagpaalam siyang napakaganda ng kanyang kartada sa paglilingkod. Mula sa pagiging mayor hanggang gobernador hanggang sa kasalukuyan niyang posisyon bilang kinatawan ng kanyang distrito ay walang anumang bahid ng karumihan ang kanyang pangalan.

Kaya niyang pasukin ang labanan sa pagiging senador, siguradong magtatagumpay siya, pero hindi niya sinunggaban ang oportunidad dahil sa mas makabuluhang sitwasyon.

Nasa pandemya tayo ngayon, sensitibo ang panahon, siguradong kapag nag-ikot siya sa buong bansa ay hindi maiiwasan ng ating mga kababayan ang lumapit-yumakap-humalik sa kanya.

Kakabit pa rin niya ang pagiging sikat na artista kahit bali-baligtarin pa ang mundo. Kumakaway ang kanyang pangalan kahit saan siya magpunta at ‘yun ang ayaw niyang mangyari bilang pagrespeto sa health protocol.

Siguradong nagbubunyi ngayon ang kanyang mga Vilmanians dahil nakaagaw ng kanyang pag-aartista ang politika. Ngayon ay mabibigyan na niya nang sapat na panahon ang pagiging Star For All Seasons niya.

At vlogger na rin ngayon si Ate Vi. Ine-enjoy na niya ang pribado niyang buhay. Pero hanggang sa May 8 ay kinatawan pa rin siyang magseserbisyo sa kanyang mga nasasakupan.

Siyam na taon si Ate Vi nang magsimula bilang artista. Halos hindi na nga siya nakapaglaro ng manyika. Hanggang ngayong sisenta’y otso na siya ay trabaho pa rin ang kakambal niya sa araw-araw.

Panahon na para regaluhan niya naman ang kanyang sarili mula sa pagtatrabaho nang halos anim na dekada mula nang pasukin niya ang pag-arte.

Ito na ‘yun!

Leave A Reply

Your email address will not be published.