Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality nilayasan ng mga dating kaibigan

0 172

Balitang-balita sa isang malayong probinsiya ang pinakabagong kuwento tungkol sa isang sikat na male personality na sinesentruhan ng mga kontrobersiya ngayon.

Matitindi ang kumakalaban ngayon sa lalaking personalidad, may personal na laban siyang hinaharap ngayon, meron din mula sa kanyang kinapapaloobang hanay.

Sabi ng isang source na dating malapit sa sikat na male personality, “Ngayon natin malalaman kung gaano talaga siya katapang. Tingnan natin kung makakaya niyang pulbusin ang mga kalaban niya.”

Marami nang bumaklas sa kampo ng sikat na male personality, ‘yun ang mga taong naging saksi sa kapayakan ng kanyang buhay, wala pa siyang salapi nu’n.

Kuwento ng aming impormante, “Nakakalungkot dahil ‘yun ang mga taong napakalaki ng naitulong sa kanya. Sila ang naghahanap ng mga kailangan niya, nagtutulong-tulong sila para lang hindi na maging problemado ang sikat na male personality.

“Pero nu’ng sumikat na siya at yumaman, ang feeling nu’ng male personality at ng wife niya, kapag may gustong kumausap sa kanya o dumalaw, e, pera ang kailangan.

“Nandu’n ang kanilang mga sasakyan, pero ang palusot ng mag-asawa, e, meron silang pinuntahan. Ang iba nga, e, hindi na nakapapasok sa tinitirhan nilang pangmayamang subdivision.

“Itinatawag muna kasi ‘yun ng mga guwardiya, kapag sinabi ng mag-asawa na huwag papasukin, makahihihrit pa ba ang mga guards? Ang idadahilan na lang nila, e, tulog ang mag-asawa!

“Ang mga taong hindi na kinakausap ngayon ng yumamang male personality, e, ‘yung mga taong bumibili ng sapatos dahil wasak na ang shoes niya!

“’Yun din ang mga taong nag-aabot sa kanya ng pera dahil walang-wala pa siya nu’n para maipadala sa pamilya niya sa probinsiya!

“Mga bagong mukha na ang nakapalibot sa kanya ngayon, mga taong walang naiambag sa kahirapan niya nu’n, mga taong hindi naman sila ang nagbayo at nagsaing, pero sila ang kumain!” nakataas ang kilay na kuwento pa ng aming source.
Pak!

Aljur pinaalis ang pamilya sa bahay

SM SuperKidsDay Banner Ad

Burado na ngayon ang matapang na post ng paghahamon ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla kung sino sa kanilang dalawa ang unang nagluko at tunay na sumira sa kanilang pamilya.

Ikinawindang ‘yun ng mga kaibigan ni Aljur, ng kanyang mga kasamahan sa trabaho, lalo na ng mismong mga kamag-anak nila.

Kuwento ng isang source na tumawag sa amin, “Gulantang ang mga friends ni Aljur kung bakit dumating siya sa point na hinamon na niya si Kylie! Sa pagkakilala kasi nila kay Aljur, e, hindi siya ‘yun!

“Pasensiyoso siya. Tahimik lang. Kaya nu’ng mag-post siya na ramdam na ang pagkapuno, talagang nawindang ang mga nakakakilala sa kanya.

“Ang nasabi na lang nila, e, iba raw mapuno ang taong mabait at pasensiyoso. Isang bagsakan lang, pero rock na rock!” sabi ng aming source.

May naalala naman ang isa pang source kung paano ipinakipaglaban ni Aljur si Kylie nu’ng bago pa lang silang nagsasama sa isang bubong na wala pang basbas ng kasal.

Kuwento nito, “May nabili nang bahay si Aljur sa Scout area, di ba? So, du’n sila nakatira. Kasama nila sa bahay ang mommy at mga kapatid ni Aljur.

“Ewan kung ano ang nangyari, pero siguradong si Kylie ang dahilan, malungkot na pinakiusapan ni Aljur ang mommy at kapatid niya na humanap ng bahay na malilipatan.

“Matindi ‘yun! Dugo ang iniluha ang pamilya ni Aljur, pero para sa ikagaganda ng relasyon nila ni Kylie, umalis sila ng bahay, lumipat sila ng tirahan,” pag-alala pa ng aming impormante.

Ganu’n katinding minahal ni Aljur si Kylie. Kung ano ang gusto ng babae ay sunod lang nang sunod ang lalaki. Pero may pagkapatid ang pisi ng pasensiya.

Dumarating ang kahit sino sa sukdulan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.