Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ninakaw ang gamit sa bahay

0 352

Nu’ng kasagsagan ng popularidad ng grupong ito ng mga bagets stars ay namumukod-tangi ang isang tisoy na miyembro. Bukod kasi sa magaling na siyang sumayaw ay naaasahan pa siya sa pag-arte.

Sayang, nasa kanya na sana ang lahat ng mga katangian ng artistang sumikat, pero inagaw ng bisyo ang kanyang mga pangarap, maraming nanghihinayang sa tisoy na male personality.

Kuwento ng aming source, “Sayang na sayang talaga siya, napag-iwanan na siya ng mga katropa niya sa grupo, maaga siyang binitiwan ng mga nagma-manage sa kanya, kasi nga, e, wala siyang kadala-dala!

“Imagine, ang gaganda ng mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng network nila, hindi man siya ang pinakabida, e, magaganda ang roles na itinotoka sa kanya, pero ano ang ginawa niya?” unang kuwento ng aming impormante.

Napasama sa mga kaibigang walang pangarap ang male personality, maging ang kanyang pamilya ay nagrereklamo na, dahil sobrang sumagad na ang pagbibisyo ng guwapo at tisoy na aktor.

Patuloy ng aming source, “Umaga ang calltime niya, pero dumarating siya nang padilim na, ginagawa niyang PM ang AM na nakasulat sa call slip niya!

“Wasted na wasted ang bagets actor, palaging nakatulala, hindi na halos siya pinakikinabangan ng production. Maiigsing dialogues na nga lang, e, hindi pa niya maitawid.

“Nu’ng kausapin ng management niya ang family niya, e, lalong nadagdagan pa ang mga nalamang kuwento ng nagpapatakbo ng career niya. Paano nga, nagreklamo ang pamilya niya na pati ang mga kagamitan nila sa house, e, ibinebenta na niya!

“Gan’n na siya katindi, mismong mga gamit nila sa bahay, e, ninanakaw na niya para ibenta para may maipambili siya ng Sharon Stone!” madiing kuwento pa ng aming source.

Ibang-iba na ang kanyang itsura ngayon, lumaki na siya nang husto, nakikipagpabonggahan sa buntis ang kanyang tiyan at nagkasira-sira na rin ang mga ngipin niya.

SM food to go Banner Ad

“Sayang talaga ang bagets na ‘yun! Tunog-international personality pa naman ang name niya, nakapanghihinayang siya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Iza OA umarte

Hindi namin regular na natututukan ang seryeng pinagbibidaha nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria, ang “Ang Sa Iyo Ay Akin,” pero maraming kababayan nating nagpaparating ng kanilang mga reaksiyon.

Maayos daw naman ang ikot ng kuwento, mahusay rin ang kanilang direktor, pero nagiging OA ang dating sa kanila ng pag-arte ni Iza.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Alam mo na paborito ko si Iza. Bukod kasi sa maganda na siya at ang sarap-sarap panoorin, e, magaling pa siyang umarte.

“Pero this time, e, parang OA na ang acting niya, nawala na ‘yung natural niyang pag-arte na nagustuhan ko sa kanya,” reaksiyon nito.

Ganu’n din ang komento ng mga nakakausap namin, ano na raw ang nangyari kay Iza Calzado, bakit parang nakakahon na ang pag-arte niya? Tuloy ay kinakabog siya ni Jodi Sta. Maria na kaswalan lang ang pagganap.

Pero may punto ang isang tumawag sa amin, ang kanyang sabi, “Kung minsan kasi, e, may kuneksiyon sa role ng artista ang reaction ng televiewer. Matigas kasi ang loob ni Iza sa serye, benggador siya, masyadong punumpuno ng anger ang puso niya.

“Ganu’n kung minsan. Hindi naman siya kontrabida sa kuwento, bida nga siya, pero masyadong nababalot ng galit ang puso niya,” paliwanag ng aming kausap.

Isa si Iza Calzado sa mga paborito naming artista. Maraming serye na niya ang aming napanood at hindi niya kami binibigo sa inaasahan namin mula sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.