Male personality olat sa suntukan

1,416

MATIKAS na matikas kung pumorma ang isang pamosong male personality. Maangas ang kanyang dating. Parang walang makatatalo sa kanya pagdating sa bakbakan.

Totoo naman ‘yun. Sa kanyang mga pelikula siyempre ay nasasaktan din siya sa mga upakan, pero siya pa rin siyempre ang panalo sa dulo, dahil siya ang bumibida.

Maraming naiinis ngayon sa nasabing male personality dahil sa kanyang kakukuda sa social media. Maraming itinatawag na pangalan sa kanya ngayon, wala siyang utang na loob, maigsi ang kanyang memorya dahil napakalaki ng nagawa ng kinakalaban niyang kumpanya sa karera niya.

Isang gabi ay siya ang pinagpistahan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz, inalala nila ang naganap maraming taon na ang nakararaan, nagkaroon sila ng gap ng isa ring pamosong male personality.

Kuwento ng source sa umpukan, “Baka nakakalimutan na rin niya ang kahihiyang inabot niya nu’ng hamunin niya ng suntukan ang isang sikat na male personality?

“Pinagbigyan siya ng hinamon niya, nagkita sila sa isang lugar na tahimik, du’n sila nagsukatan ng lakas! Nakakaloka!

“Olat na olat siya sa hinamon niya! Nakita na lang siyang bitbit paitaas nu’ng male personality, ihahagis na sana siya sa swimming pool na walang tubig, buti na lang at may umawat sa kanila!

“Hamon siya nang hamon, e, wala naman pala siyang ikakasa! Sukat ba namang hamunin niya ‘yung male personality na ensayado ang katawan!

“Napakatangkad na nu’ng hinamon niya, e, alagang-alaga pa ang body niya! Sportsminded pa ‘yung hinamon niya, kaya ano naman ang laban ng kayabangan niya du’n?

“Na-shock boogie ang lahat nu’ng buhatin siya nu’ng male personality, para siyang barbel na nasa ere! Kayabang kasi! Wala naman siyang binatbat, puro kaangasan lang ang alam niya!

“Tulad ngayon, nagmamaangas na naman siya! Kuda siya nang kuda, kung sinu-sino na naman ang binabanatan niya, samantalang nananahimik naman ‘yung mga taong binubulabog niya!

“Baka mamaya, e, patulan din siya nu’ng isang action star na pinipintasan niya! Naku, patay kang bata ka! Wala siyang kapana-panalo sa male personality na ‘yun!

“Nakita n’yo naman, apat na taon nang pinagpaplanuhang patayin ‘yun ng mga kalaban niya, pero heto, buhay na buhay pa rin siya!

“Gusto ba niyang matikman ang milagrosong lakas ng action star na ‘yun na may limampung buhay?” humahalakhak na kuwento ng pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Liza highest paid na endorser

TANUNGIN mo ang mga estudyante sa high school kung sino ang crush nilang teenstar. Isa lang ang kanilang isasagot–si Liza Soberano.

Batuhan mo ng tanong ang mga young professionals, ang mga yuppy, at ganu’n din ang kanilang sagot. Gusto nilang maging kamukha ni Liza Soberano ang makakarelasyon nila.

Ganu’n katindi ang dating ng kagandahan ni Liza Soberano, maraming inggit na inggit kay Enrique Gil, dahil ito na ang may-ari sa puso ng napakagandang young actress.

Ilang gabi naming tinutukan ang seryeng Make It With You nila ni Enrique Gil. Ang unang sultada ng serye ay kinunan sa mga napakagandang tanawin sa Croatia.

Walang makakakabog sa kagandahan ni Liza bilang Pinay na nagbabagu-bago ng anyo para mabuhay sa isang bansang pinadparan niya. Ang kanyang mukha, ang kanyang galaw, ang kanyang porma. Sa kanya lang babagay ‘yun.

Sa ilang gabing nakaraan na tinutukan namin ang serye ay nahanapan namin ng tamang dahilan ang mga bagets at yuppy kung bakit si Liza Soberano ang hinahangaan nila.

Walang anggulo ang young actress na ito. Meron o wala siyang make-up ay nagmumura ang kanyang ganda. At naturingang lumaki siya sa Amerika ay mahusay siyang magbitiw ng mga salitang kolokyal nang walang twang.

Sa impormasyong nakarating sa amin mula sa mga ahensiya ay si Liza Soberano pala ang pinakamahal na endorser. Napakalayo ng talent fee niya sa mga kakontemporaryo niyang artista.

Ang isang brand ng lipstick na puro Hollywood stars lang ang nag-eendorso ay si Liza Soberano rin ang piniling magbenta ng produkto sa merkado ng ating bayan.

Anuman ang aming ginagawa ay humihinto kami para lang silipin ang lipstick commerical na ‘yun ni Liza Soberano. Sobrang ganda niya! Nangangabog ang kanyang ganda!

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...