Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality paasa

0 109

Regalo ng langit sa mga kababaihan. Ganu’n kung ilarawan ngayon ng marami ang isang kilalang hunk actor na pinagpipistahan ng bayan.

Kolektor ng kung anu-anong bagay ang aktor, palibhasa’y meron naman siyang ikakasa dahil mayaman ang kanyang pamilya, kaya pati raw mga kababaihan ay kasama rin sa mga kinokolekta niya.

Kuwento ng aming source, “Sa dami na ba naman ng mga nakakarelasyon niya, minsan man lang ba, e, hindi pumasok sa utak niya ang pagpapakasal?

“Napakatagal ng pakikipagrelasyon niya, kasal na lang ang kulang, pero wala talaga! Wala sa vocabulary niya ang pagpapakasal,” unang kuwento ng aming impormante.

Ganu’n din ang mga unang kuwento tungkol sa pakikipagrelasyon ng hunk actor, nagsawa na sa kahihintay ang mga babae, kaya sina hiniwalayan.

Patuloy ng aming source, “’Yung unang female personality na naging girlfriend niya, pati ‘yung sumunod, hindi biro ang itinagal ng relasyon nila, ha?

“Joke ba ang four years? Ang five years? Aba, kung nagkaanak sila nu’ng mga babaeng ‘yun, e, may binata at dalagang anak na siya ngayon! Pero ganu’n din ang kuwento, nainip na lang ang mga babaeng ‘yun sa pagsusuot nila ng traje de boda!” sabi pa ng aming source.

Hayahay na buhay kuno ang gusto ng hunk actor, takot siya sa obligasyon, takot siya sa responsibilidad ayon sa mga taong nakakakilala sa kanya.

“Para siyang kotse, magaling lang siya sa arangkada, pero sa rektang takbo, wala na, paasa lang siya. Imagine, makikipagrelasyon ka nang limang taon, pero hanggang live-in lang naman pala ‘yun?

“Nagtatanungan nga ang mga kaibigan niya, malaking palaisipan din sa mga close sa kanya kung ano talaga ang programa niya sa buhay niya! Baka naman gusto niyang maging matandang-binata na lang?

“Hanggang ganyan lang siya, collect and collect, pero hindi naman select the best! Nakakatakot ang ginagawa niya, baka mamaya, e, mauwi siya sa bungi sa kapipili niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Alden nililigawan Laguna mayor

Dahil sa kagandahan ng puso ni Alden Richards ay may mga nagtutulak sa kanya para kumandidatong mayor ng kanilang bayan sa Laguna. Ang tulad daw ng sikat na aktor ang kailangang magkaroon ng posisyon sa pamahalaan.

Hindi man nagsasalita si Alden ay lumalabas din ang magagandang aksiyon na ginagawa niya hindi lang para sa kanilang mga kababayan kundi maging sa marami pang ibang kababayan nating sinasalanta ng kalamidad.

Pero mukhang malayo sa bituka ni Alden ang mundo ng pulitika. Napakalayo. Sapat na para sa kanya ang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

At naku! Wawasakin ng pulitika ang malinis na pangalan ng Pambansang Bae. Kung sa pagiging artista pa nga lang ay meron nang mga nanghihila sa kanya pababa, kahit wala namang sapat na dahilan, paano pa kapag pinasok niya ang mundo ng pagseserbisyo-publiko?

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Huwag na huwag siyang papasok sa politics! Mawawasak si Alden du’n! Kapag walang nakitang butas sa magandang pangalan niya, e, gagawa ng butas ang mga kalaban niya para lang siya ibagsak!

“Tama na ang pag-aartista niya, tutal naman, e, para na rin siyang politician sa pag-ayuda niya sa mga nangangailangan!” madiing paalala-opinyon ni prop.

Totoo naman. Tama nang marami siyang pinasasayang kababayan natin sa maganda niyang pakikitungo, sa nagiging mapagkumbaba, hindi na niya kailangan pang maupo sa anumang posisyon ng gobyerno.

Walang pakialam namang komento ng apo ng aming kaibigan, “Basta! Panonoorin ko ang concert niya sa December 8. Virtual concert ‘yun, malayo siya sa akin, pero parang pinanonood ko pa rin siya sa mismong venue!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.