Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality pahada sa abroad

0 192

Sabi ng isang Boogie Wonderland, ang palaging tinatawagan ng mga personalidad na may matinding pangangailangan, “Napakagaling talaga sa buhay ng isang male personality, hindi pa nakikita ng siyensiya ang pandemya, napaghandan na agad niya!

Siya ang male personality na hindi naman kalakihan ang tinatanggap na talent fee sa mga ginagawa niyang proyekto pero paboloso ang kanyang lifestyle.

Kuwento ng aming source, “Pero kahit pa mahilig siya sa mga branded stuff, e, hindi siya nakakalimot magsubi. Gagastusin niya ang kalahati, pero itatabi niya ang another half para sa kabuhayan showcase niya.

“Magaling siya, alam niyang hindi lahat ng panahon, e, Pasko, kaya maingat siya sa kinikita niya,” pagpapakilala muna ng impormante sa male personality.

Madalas siyang mangibang-bansa, pero hindi ‘yun granatsa para sa male personality, kailangan niyang umalis para du’n katagpuin ang taong makapagbibigay sa kanya ng dagdag na laman sa kanyang kaban.

Patuloy ng aming impormante, “Magaling talaga siya dahil hindi siya nagpapagetlak sa mga basta-bastang becki. Puro professional ang client niya, mga becking yayamanin na ayaw magpabuking sa ginagawa nilang milagro, kaya sa ibang bansa sila naglaladlad ng kapa.

“’Yun ang dahilan kung bakit jetsetter ang male personality, kung saang bansa gusto ng kanyang kliyente sila magkikita, ‘yun ang kanyang destinasyon.

“Kita n’yo naman ang mga posts niya, di ba? Parang ginagawa na lang niyang kapitbahay ang mga Asian countries, napakabongga niya! Kaya lang, nabubuking pa rin siya ng mga utaw, magkapareho kasi ang background ng mga pictures nila ng ka-date niyang becki!

“Pero magaling talaga siya, hindi pa man nagkakapandemya, e, napaghandaan na niya ang puwedeng maganap. Kalat na kalat na kasi na napakakinis niya mula dulo ng kanyang buhok hanggang sa talampakan.

“Sa dagat ng mga personalidad na tumatanggap ng ganitong raket, e, hindi siya maituturing na maliit na isda, kahilera niya ang mga dambuhalang balyenang pinagmumulan ng mantika!” nangingiting pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alex pinagkakitaan ang kasal

Ang isa pang magaling sa pagmamaneho ng kanyang buhay ay si Alex Gonzaga. Kahit hindi na siya mag-artista ay hinding-hindi siya kakapusin.

Nagtagumpay si Alex sa naisipan niyang atake, ang pagba-vlog, milyun-milyon na ang sumusubaybay sa kanya na pinagkukunan din niya nang milyones dahil monetized nang matagal ang kanyang vlog.

Kahit maging simpleng maybahay na lang siya ni Konsehal Mikee Morada ay kakabugin pa rin ni Alex ang mga artistang nagbababad sa harap ng mga camera.

Hindi maramot sa interbyu si Alex pero pagdating sa mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay ay natututo siyang humindi. Pagkakakitaan kasi niya ‘yun tulad ng itinago nilang pagpapakasal ng mag-aapat na taon na niyang karelasyong konsehal ng Lipa City.

Tanong ng isang kaibigan namin, “Kaya naman pala nanahimik lang siya nu’ng mapabalitang nagpakasal na sila ni Mikee! Wala siyang denial, wala rin siyang kumpirmasyon!

“Kaya naman pala, sa vlog niya kailangan malaman ng buong mundo na Mrs. Morada na siya! Umani siya ng tagumpay, matinding revelation nga naman ang laman ng vlog niya!

“Milyun-milyon ang tumutok sa kanya, translated ‘yun sa milyunang halaga! Magaling talaga si Alex!” tawa nang tawang komento ng aming kausap.

Asahan nang kapag naglihi si Alex ay hindi rin siya magkukuwento sa press, sa vlog niya ‘yun malalaman ng publiko, pagkakakitaan uli ‘yun ni Alex.

Asahan na ring hanggang sa panganganak niya sa unang anak nila ni Konsehal Mikee ay magkakaroon ‘yun ng full coverage sa kanyang matagumpay na vlog.

Di ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.