Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality panregalo sa mga beki

0 147

Bakit kaya kapag nababanggit ang pangalan ng isang male personality na nauugnay ngayon ang pangalan sa isang sikat at magandang aktres ay nagtitinginan nang palihim ang mga becki?

Ano kaya ang nakatagong kuwento sa likod ng kanilang pagtitinginan at pagtataas ng kilay? Meron ba silang alam tungkol sa nakaraan ng male personality?

Bakit kaya nila sinasabing kailangang imbestigahang mabuti ng magandang aktres ang nakaraan ng lalaking nauugnay sa kanya ngayon?

Kuwento ng isang source, “Nakakagulat nga ang reaction ng mga becki kapag napag-uusapan si ____(pangalan ng male personality). Parang napakarami nilang alam tungkol sa guy!

“May mga kuwento kasing umiikot ngayon na dati kuno, e, ipinangreregalo ang male personality na ‘yun sa mga gay na porenero!

“Laman din kuno siya ng mga party nu’n na ang palagi niyang mga kasama, e, puro becki! Party-party sila palagi, siya lang ang guy, ‘yun ang kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa guy!” maagang umpisang kuwento ng aming impormante.

Dapat daw mag-reasearch ang magandang aktres na iniuugnay ang pangalan ngayon sa male personality. Bago raw mahuli ang lahat ay kailangan nitong malaman ang mga kababalaghan tungkol sa lalaki.

Patuloy ng aming source, “Naku, nakakaawa naman ang girl kapag nagkataon. Ilang beses na siyang nasasaktan dahil sa pakikipagrelasyon! Nakakaawa naman siya kung may mangyayari na naman sa buhay niya na napakasakit talaga!

“Kailangang magtanung-tanong ang girl na ‘yun kung bakit kapag nababanggit na ang name ng guy, e, maraming nagtataas ng kilay. Hindi ‘yun puwedeng mangyari kung walang alam na kuwento ang mga becki!

“Kunsabagay, hindi pa naman inaamin ng girl na sila na nga ng male personality, pa-date-date pa lang sila ngayon, mabuti naman kung ganu’n!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Naku, hindi pa gumagaling ang sakit na naramdaman ng girl sa katatapos lang niyang relasyon, nakakaawa naman siya kung may madiskubre na naman siyang panibagong pasabog tungkol sa lalaking idinidikit ang name sa kanya ngayon!” nag-aalalang pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Ara ‘sawain’ sa dyowa

Mukhang dumating na ang tamang lalaking dinisenyo ng kapalaran para kay Ara Mina. Engaged na sila ngayon ng non-showbiz boyfriend niyang si Dave Almarinez.

Lumabas na sa social media ang retrato ng nakaluhod na lalaki sa harapan ni Ara na siyempre’y isa lang naman ang kakambal na tanong, “Will you marry me?”

Nasubaybayan namin ang istorya ng pakikipagrelasyon ni Ara mula pa nu’ng teenager pa lang siya hanggang sa magkaanak na. Hindi eksaherado ang paglalarawan, totoong-totoo, hindi na kakasya kung sa isang van lang ang dami ng naging boyfriend niya.

May kasing-edad niya, may mas may edad na puwede na niyang maging ama, may malaya pa at may mga pamilyado na.

Maraming nagsasabing sawain daw sa karelasyon si Ara, napakabilis niyang magpalit ng boyfriend, kabaligtaran naman nu’n ang aming alam sa pagtutok sa kanyang lovelife.

Becking-becking magmahal si Ara, all mine to give, sabi nga. Halos wala na siyang iniiwanan para sa kanyang sarili. At kadalasan, dahil sa bilis niyang magmahal ay nagkakamali siya ng pagkilatis, hindi siya puwedeng lumantad para maipagmalaki ang kanyang karelasyon dahil pamilyado na.

Maraming masaya sa pinakahuling senaryo sa kanyang buhay, pakakasalan na siya ni Dave Almarinez, ang babaeng sumusugal nang isandaang porsiyento sa pakikipagrelasyon ay dapat lang namang lumigaya na nang may basbas ng kasal.

May karapatang lumigaya si Ara Mina. Kaligayahang kanyang-kanya lang at wala na siyang kaagaw at wala na ring magkokomentong nang-aagaw siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.